chapter 20

11 8 0
                                    

Calix pov:

Ten na ng gabi ng makababa ako mula sa room namin. Di ko alam na mahaba ang pinahinga ko pagkatapos ng masarap na tanghalian.

"Bakit nag iisa ka lang dito?"  Salubong ko kay jl Pagkaupo ko sa harap niya.

"Inumaga ka yata tol."  Natatawang sabi  nya. "Kape?"

Umiling ako "salamat tol." Nilibot ko ang paningin ko sa kabuonan ng resto. iilan na lang ang mga taong kumakain dahil sa ganitong oras.

"Tinuloy nila yung plano ni thea. Iniwan nila ako kaya Hindi na ko nakasunod pa."

"Saan bang bar pinuntahan nila?"

Dalawa yung bar dito. yung isa nasa malapit lang habang yung isa ay nasa medyo kalayuan na mas dinadayo ng tao.

Nagkibit balikat siya "hindi ko alam tol, basta sinabi na lang nila na magha-hunting malala sila."

Napatango ako bilang sagot bago kumuha ng isang kutsarang may laman na cake at sinubo. Di na ko umimik pa ng magsimulang mag kwento si jl habang nakikinig sa kanya.

Nasa kalagitnaan na sana ako ng huling pagsubo ng hagitin ako ni jl palapit sa kanya. Nahulog pa nga yung cake sa kutsara at nadismaya pa nga ko dahil don.

"Toll!! Kita mo yung babaeng yon?" Di mapakaling turo ni jl "Yung nakasuot ng blouse na pula sa pangatlong upuan!"

Tinignan ko yung tinuro niya. Di naman ako nahirapan dahil medyo malapit lang samin. Isang maputing babae. mahaba ang maitim na buhok at higit sa lahat ay mukhang stricta. Hindi ito nag iisa. May kasama itong babae na nakasuot lang din ng blouse na blue. mukha naman masiyahin yung kasama niya pero parang masungit din.

"Nugagawen?"

"Tol!!" Hinarap niya ako sa kanya at malakas na niyugyog  "tinamaan yata ako! Kanina ko pa siya nakikita nung tanghalian e, Hindi siya nawala sa isip ko pagkatapos non tapos ngayon pinagtagpo kami ulit!"

"love at first sight ata tol" sabi ko para magtigil sya pagyugyog sakin.

Natigilan ito saglit bago ngumiti ng pagkalawak lawak at binalik ang tingin doon.

"Tol, baka crush pa lang yan." Aniya ko. Ganun naman di ba?

"Hindi tol, sigurado akong na love at first ako sa kanya. Tadhana ba tol." abot tenga ang ngiti niya habang nakatingin doon sa babae. It is possible na mainlove ka sa una palang na pagkakita?

"Alam mo na ba pangalan?"

"Hindi pa tol" mahinang usal niya. Napailing na lang ako

Napatingin ako sa oras. Hindi ko namalayan ang oras sa tagal ng kwentuha namin. nagpasya na kong tumayo upang hanapin na ang lahat dahil lagpas alas dose ng madaling araw.

"Hanapin na natin sila tol." Tumango ito kaya tumalikod na ko para magsimula mag hanap.

Kung saan saan na ko naghahanap at bawat sulok at gilid ng dinadaan ko ay tinitignan ko pa baka sakaling nandoon ang isa sa kanila pero wala.

Nasa medyo kalayuan na ko ng may nakita akong grupo. Bahagya pang napakunot noo ko ng mapansin pamilyar mga taong nandoon.

"Jen?" Hinawakan ko 'to sa braso ng makalapit ako. hindi man lang ito gumalaw o kahit man magreact.

Lalong pang nangunot ang noo ko ng mapansin parehas sila ni amber ng sitwasyon. Sinimulan Kong tapik tapikin ng mahina ang pisngi nila pero di man lang kumukurap.

What the heck?

"Tumititig ka lang dito baby. mamaya, liligaya ka." Napalingon ako dahil sa nagsabi no'n. Doon ko lang din napansin na may tatlong lalaking nakapalibot kay thea. Sa harap nito ang isang nakangising lalaki habang ginagalaw nito ang nasa kamay niya. Parang kwintas yon na may nakasabit na pabilog na may butas sa gitna. Bumubuka din ang labi nito habang titig na titig sa mga mata ni thea.

La Familia De GamusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon