(the mos awaiting pov)
Calix pov:
Kakalabas ko palang ng pinto ay rinig na rinig ko na ang ingay na nagmumula sa sala. Naglakad ako patungo roon at nakita Kong nagbabangayan ang dalawa na si zera at yves.
Habang nag uusap naman ng mahinahon ang iba at ang iilan ay nakatutok ang atensyon sa tv.
"Pwede ba?! May nanonood dito, paki hinaan naman ng mga bunganga nyo!" Inis na saway ni shiela habang nakatingin sa dalawa na wala ng balak tumigil sa bangayan.
"Palibhasa ang boring ng pinapanood kaya nagiging madrama din." Malditang sabi ni yves at nakita ko pang umirap ang mga mata nya. Ey Baklang tow.
"Wala ka ng pakialam don bakla!"
Hindi ko na lang pinansin. dumiretsyo ako ng lakad sa kusina kung saan naabutan ko na kumakain ng ice cream si sarai. Medyo kalat pa itong kumain.
"Hey"
Dali dali ako kumuha ng tubig at binigay dito. "Dahan dahan lang, hindi kita aagawan." nangiting ani ko. nabilaukan kasi ito.
"S-sorry po, nagulat lang talaga ako. kanina ka pa ba jan?"
Umiling ako "kakapasok ko palang tas nakita kita ditong mag isa."
"I-ikaw lang ba m-mag isa?" Tanong nito at nagpalinga linga sa likod ko.
"Oo?" Napabuga naman ito ng hangin na parang natanggalan ng tinik sa dibdib kaya nawe-weirduhan akong nakatingin sa kanya.
"Ayos ka lang?"
Sasagot na sana ito ng biglang tumunog ang cellphone nya. Kusang lumaki ang mata nito at tuwang tuwang nagtatakbo palabas ng kusina
"yung lazada ko!"
Naiiling na kumuha ako ng tasa upang magkape. Pagkatapos ko mag timpla ay napagdesisyonan ko na lang na magkape sa likod ng bahay. Alam kong babalik pa si sarai para ipagpatuloy yung kinakain nya at kahit di man nya sabihin ay medyo ilang to sakin.
Pagkarating ko ay ine-expect ko na, ako lang nandito sa likod ng bahay dahil ang lahat ay nasa loob pero mali ako.
Someone sings happily while dinidiligan ang mga halaman sa harapan nya. "Heto ako ngayon nag-iisa, Naglalakbay sa gitna ng dilim~"
pinagmasdan ko ito ng medyo matagal pero Hindi nya pa rin ako napapansin dahil masyado syang abala doon.
"Heto ako basang-basa sa ulan!!
Walang masisilungan!!" Pasigaw na nya itong kinanta. Nakakatuwang pinanood ko na lang ito.Napatigil ako sa paghigop ng kape ng biglang may pumasok sa utak ko. Nilapag ko ang kape ko sa isang upuang kahoy dito at dahan dahan na lumakad sa kinakaroonan nya.
Nang makalapit ako ay bigla ko itong hinawakan sa balikat at sabay sabing "boo!!" Pero hindi ko inaasahan na sakin matututok ang hose na gamit nya at saktong sa mukha ko pa tumama.
Karma is real!!
Bago pa tuluyang mabasa yung damit ko ay lumayo na ako. Natatarantang naman niyang pinatay ang gripo.
"Hindi mo naman sinabi na ikaw magpapaligo sakin." pabirong sabi ko.
"S-sorry! P-pa-pasensya na. ikaw kasi eh! B-biglang biglang na lang ng gugulat!" Mabilis at utal utal na sabi nito habang aligaga ito sa paghahanap ng ipapamunas sakin.
Bahagyang natawa ako. para kasi itong nahuli ng kanyang ina matapos magtago dahil sa nakabasag sya ng pinggan.
"Anong tinatawa mo jan?!" Umiling ako at sa halip na kumuha ng pamunas ay pinuntahan ko na lang ang kape ko na siguradong malamig na.
BINABASA MO ANG
La Familia De Gamus
Teen FictionIsang pamilya na binuo ng mga tao na hindi magkadugo. Ang Pamilya na nabuo online ay magkikita sa personal at titira sa isang bahay. Masaya silang namuhay kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan na naganap, Hanggang isang tao ang pumasok sa pam...