Elly POV:
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at medyo nasilaw pa ako sa liwanag kaya napapikit akong muli.
Nang makapag-adjust na ang mata ko ay unti-unti akong nagmulat.
Agad akong napanga-nga sa nakita ko. Isang maliit na butas lang ang nasa dingding at ang isang mahabang mesa na di kalayuan sa akin. Tanging ang ilaw lang na nasa itaas ng mesa ang nagbigay liwanag sa silid.
Agad naman akong napaisip kung paano ako humantong sa ganito.
Nakatali ang mga paa at kamay ko.
Nakkksss! Si Miss Paris ang huli kong naalala.
Shit! Kinidnap ba niya ako?
Bago pa man umabot sa kung saan ang isipan ko ay narinig ko ang mga yapak mula sa labas ng silid kaya nagpanggap akong tulog.
Para lamang akong nasa palabas. Wait! Hala baka nasa taping ako ng di ko alam.
Pero impossible, masakit ang batok ko hayst.
Rinig ko ang pagbukas ng pinto, sana naman di nila ako sasaktan. Kinakahaban man ay nanatili akong nakapikit.
" Tangina? Tulog pa rin siya?" Rinig kong sabi ng isang boses babae.
" Buhusan niyo ng tubig para magising! Make sure iyong pinakamalamig." Sambit ng isang boses babae din. Those voice looks familiar.
Nang marealize ko ang iniutos ng boses babae ay dali-dali akong gumising.
" Weyyytttt... Gising na ako! Wag niyo ko buhusan ng malamig at baka magkasakit ako nakks! Di ba kay-..." Dali-daling sambit ko at naputol din agad ng makita ang dalawang babae na nakatitigsa direksyon ko habang may ngisi sa labi.
" How's your sleep my little sweety?" Nakangiting tanong ni Mrs. Halle.
" Anong ibig sabihin nito?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko na alintana ang nakagapos kong kamay at paa.
" Mamaya ka na magtanong, Paris ang plano natin?" Agad akong napalingon sa guro ko na nakangisi sa akin.
" Papunta na siya dito." Naguguluhan nan akong napatingin sa kanya. Sino si siya? mapapahamak ba ako?
" Takot ka na niyan? Wag kang mag-alala Ija, magiging maayos ang lahat basta sumunod ka lang." Ani ni Mrs. Halle- no, Halle lang, she don't deserve my Respect.
" Ano bang kailangan niyo sa akin!!!?" May inis na sigaw ko sa kanilang dalawa habang pilit kumawala sa pagkakagapos, nagkakasugat na din ang kamay ko kaya napatigil din ako sa ginagawa ko.
Wala akong maalala na mayroon akong ginawang masama sa kanila, kaya hindi ko alam kung bakit nila ito ginagawa sa akin.
Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang hindi ko inaasahan.
" I-ikaw??? Magkasabwat kayo!?" Ngunit tanging pag-ngisi lang ang itinugon nang bagong dating.
" Hayop ka! Traydor ka sa grupo Coleen!"
" Tapos? Mga gaga kase kayo, antatanga niyo din. Wag kang mag-alala dahil hindi naman ako nag-iisa." Nakangisi niyang sabi bago bumaling kina Halle at Paris.
" Anong ibig mong sabihin?" Mahihimigan ang pagkalito sa boses ko ngunit tanging pagtawa lamang ang isinagot ni Coleen habang seryoso na nanonood sa akin ang dalawang babae.
" Huwag na natin siyang hintayin, oh ito na ang pinapakuha ninyo, wews buti marunong ako pumuslit." Ani Coleen at inabot ang isang folder kay Halle. Agad naman itong kinuha ng babae at pakuwa'y binasa din.
" You really did a great job Coleen." Tanging pagsaludo lang ang sagot ni Coleen at ngumisi sa akin. Pag ako nakawala dito, babangasan ko talaga siya.
Blag!
Agad naman akong napaigtad sa gulat nang biglang ihampas ni Halle ang folder sa mesa at tiningnan ako. Nang mapansin niyang wala akong plano magsalita ay siya na mismo ang sumira sa katahimikan.
" Sign the paper and makakaalis ka na. Plus, I will assured you na hindi na kami makikialam sa university niyo." Seryoso niyang sabi sabay dukot ng isang mamahaling ballpen sa mesa at inilagay sa tabi ng folder.
Tumingin naman ako sa kanya ng masama at alam kong alam niya ang ibig kong sabihin. Agad naman tumawa si Paris at kinalas ang nakagapos kong kamay pero bago pa man niya ako tuluyang kalasan ay may paalala pa siya.
" If you're planning to get away then better don't, or else mamamatay ka muna bago makalabas dito." At tuluyan nang tinanggal ang pagkakagapos sa aking kamay.
Kahit gustuhin Kong tumakas ay mahihirapan ako, kamay ko lang ang malaya at nakagapos parin ang mga paa ko. Kung tatanggalin ko ang pagkakatali ay mahahalata din nila kaya wala na akong choice kundi ang manatiling tahimik at mag obserba sa mga taong nasa harapan ko.
Aaminin ko, natatakot ako dahil hindi ko alam kung bakit nila ito ginagawa, I'm clueless and I hate it.
" Pirmahan mo na yan at para matapos ma ito." Ani Halle at kusa naman akong napatingin sa folder na nasa harapan ko. Dahan-dahan ko itong kinuha at binuksan saka binasa ang laman nito.
" Asuncion University Transferring of properties???" Patanong ko ng makita ang nakasulat sa papel.
" Wag ka na magtanong! Pirmahan mo na lang!" May inis na ani ni Coleen. Dahil sa takot ay wala na akong nagawa lalo na ng makita ko na mayroong hawak na baril si Coleen. Hindi ko alam kung saang lupalop ng kwarto niya ito nakuha pero alam Kong isang maling galaw lang kaya niya iyong iputok sa akin.
" Owh, the baby is crying." Mapang-uyam na ani ni Paris kaya agad kong kinapa ang pisnge ko at tama nga siya. Basa ito dahil sa luhang nag-uunahan ng pumatak sa mga mata ko.
Pagkatapos kung pumirma ay agad itong kinuha ni Halle at tiningnan kung pumirma na nga ba ako. Agad namang sumilip ang matatamis niyang ngiti at napatingin sa akin.
" It's all mine now, thank you Elly." Sabi niya at aalis na sana nang biglang bumukas ang pinto.
" What the hell mom!" Sigaw ni Elaine kay Halle. Oo nga pala, malayong wala siyang alam dahil ina nga pala niya si Halle.
" There you are my dear, come here. Elly already signed the papers and it's all ours now. Aren't you happy?" Kita ko ang paglunok ni Elaine at tumingin sa akin bago binalik ang tingin sa kanyang ina.
" Y-yes mom.... I'm happy." Ani niya at ngumisi kay Coleen.
" Andito ka rin pala Coleen, how's the game with Elly and Jen? Masaya ba? have you enjoy it?" Agad namang lumukot ang mukha ni Coleen sa sinabi ni Elaine.
" Enough with that Elaine, next week ay babalik ka na sa AU (Asuncion university) at ganun din si Elly." Ani Paris at bumaling sa akin.
" Good bye sweety Elly." Ani Mrs. Halle at nagfying kiss pa siya bago umalis at sumunod naman si Miss paris.
Lumapit sa akin si Coleen at agad kinalas ang pagkakagapos ng mga paa ko. Kahit nahihirapan ay nagawa ko pang magtanong. Wala akong alam... At gusto kong maliwanagan.
" Bakit niyo toh ginawa? For what purpose?" Ngunit tiningnan lamang ako ni Elaine at ganun din si Coleen.
" Coleen, Don't." Simpleng saad ni Elaine ngunit ngumisi lang sa kanya si Coleen. What is going on here? Ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa na ano mang oras ay handa na silang atakihin ang isa't isa.
" Well Elly, Elaine, me, and YOU are cousin..."
Wtf? This is not my plan 😭😭😭 but anyway dearest thnk you for staying with me hmm. Plsss interact me on fb (gamusian wp ) lablots!!(人*´∀`)。*゚+
I'm so exhausted right now 🙍
![](https://img.wattpad.com/cover/323450465-288-k691547.jpg)
BINABASA MO ANG
La Familia De Gamus
Teen FictionIsang pamilya na binuo ng mga tao na hindi magkadugo. Ang Pamilya na nabuo online ay magkikita sa personal at titira sa isang bahay. Masaya silang namuhay kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan na naganap, Hanggang isang tao ang pumasok sa pam...