chapter 26

6 2 0
                                    

Elly POV:

Kinuha ko ang notebook ko habang inaantay si jen sa tambayan ko. Gusto ko siyang makausap ng masinsinan.

Maya-maya pa ay dumating na si jen.

" Sorry elly natagalan, alam ko na so coleen ang kulit hehe gusto pa akong samahan" agad naman akong napangiti sa narinig ko.

"  Anyway ano pala 'yong sasabihin mo?" At naupo na siya sa tabi ko.

" Hmm? Pwede ko bang itanong kung sino ang irereto mo sakin? Curious na kase ako" hanggang ngayon Hindi ko parin kilala ang sinasabi niyang lalaki, may hula na ako kung sino pero ayaw ko siyang pangunahan.

" Hindi pwede sabihin elly eh" ani niya at pilit na ngumiti. May iba akong nakikita sa mata niya, isang emosyon na alam kong hindi ko magugustuhan.

Sana mali ang iniisip ko jen, ayaw kong masaktan.

" Jen, itigil mo na lang ang reto." Pag-aamin ko sa kanya na halatang ikinagulat niya.

" H-ha? Bakit naman Elly?" Ani niya habang gulat pa rin ang expression niya.

" Alam ko na ang ibig sabihin ng reto" nalaman ko base sa explain ni calix sakin.

.
.
.
.

Flashbacks

" Ano iyong reto?" Tanong ko kay head. Kita ko naman ang pagpigil niya ng ngiti at pinilit na maging normal ang expression niya.

" Bakit mo naman natanong iyan?"

" Lix, walang tanong na sinasagot ng tanong"  seryoso kong sabi at alam kong ramdam niya iyon base sa nakikita ko sa mata niya.

" Wag mo sabihin na- oo na, oo na po" ani niya ng balak ko siyang hampasin sa ballpen na hawak ko. Kanina ko pa pala hawak di ko man lang namalayan.

"Meaning ng reto ay isang love matchmaking. Like single ka tapos may isa pa kong kaibigan na single, i ooffer ko sayo o irerekomenda   yung kaibigan ko na single sa isa ko pang kaibigan na single, this is called reto." Napa "owhh" nalang ako.

" Naiintindihan ko na, salamat lix"

"" Ano iyong reto?"

"Pero elly tabdaan mo ah di ka pa nga tumatangkad magpapareto ka? Tignan mo oh kayang kaya kita isako hahaha,  Saka na kapag lagpas earth na tangkad mo" agad kong sinapak si calix sa braso at tawang-tawa naman si tukmol.

" Matanggkad ang 5'1 lix" ani ko pero mas lalo lang siyang tumawa.

" 4'9 kamo" at tumakbo na siya palayo nang ibato ko na sa kanya ang ballpen na hawak ko.

End of flashback

Pagkatapos kong ikuwento sa kanya kung paano ko nalaman ay niyakap niya ako.

" Aysus ayos lang elly" ani niya at kumalas na.

" May tadhana na nakakaalam Jen, pasensya na ngunit hindi ko kaya ang reto " agad naman niyang sinabi na naiintindihan niya ako.

Pagkatapos ng usapan ay umalis na si jen habang ako naman ay pinag aaralan ang iba naming subject.

Nagugutom ako kaya napagdesisyunan ko na pumunta muna ng canteen. Habang binabagtas ko ang daan ay hindi ko parin maiiwasan na mabahala sa tingin ng ilan. Andun parin kase ang tingin na nagsasabing " baguhan ka lang" trauma narin sa ginawa nina Kimberly. And speaking of them andito sila sa canteen  after ng nangyare ay na expel sila pero bumalik din si kim at humingi sa akin ng tawad.

La Familia De GamusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon