Thea pov:
Pagdating nina elly ay agad na kaming pumasok sa van at si jl naman ang nagmamaneho. Nakasunod sa amin si coleen at amber. Kilala ko na si coleen dahil narin sa gc.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa tapat nang gate nang bahay. Kitang kita ko na bukas ang gate. Nakasarado naman yan kanina nung umalis kami ah.
" thea,bakit bukas ang gate?" Tanong ni shiela sa akin.
" di ko alam but I'm sure na sarado yan kanina bago tayo umalis"
" waaahhh baka pinasok tayo" tumiling sabi ni sarai na agad namang tumahimik nang makitang nakatingin sa kaniya si Raine. Tiklop ka pala sarai eh.
Dahan-dahang itinigil ni jl ang van sa garahe ganun din sina amber at coleen. Nang makababa na kaming lahat ay isa-isa naming kinuha ang mga pinamili namin.
" ako nang magdadala nang sa iyo elly" rinig kong sabi ni coleen. Magkakilala sila? New member si elly so how come?
Kita ko naman ang pag tingin nang ibang kasamahan ko at ang pagtanggi ni elly.
" si shiela nalang ang tulungan mo coleen. Mukhang nahihirapan din siya eh" ani ni elly kaya walang nagawa si coleen lumapit kay shiela. Agad namang ibinigay ni shiela ang halos lahat nang pinamili niya kay coleen.
" pasok na tayo" ani calix pero naunahan na siya ni raine.
Dahan-dahang inikot ni Raine ang door knob pero bago yun ay isinuot niya muna ang head set niya sabay sabing...
" cover your ears" at tuluyan na niyang binuksan ang pinto.
Nagulat kami pagkapasok palang namin. Sino namang hindi magugulat? Nakmukhang party ang bahay. May disco light, baloons at kung ano-ano pa, pero akala ko yun lang nang may biglang sumigaw.
" wellllcoooommmmeer hooomeee gamussss!!!! Food is ready!!!"
Agad kong nilingon kung saan nang galing ang boses at may babae akong nakita sa bulkana nang kusina.
" wait? Jenilyn??? As in jenilyn peralta is that you?" Gulat na sabi ni coleen pero bago pa man malasagot si jenilyn kuno ay niyakap na ito ni coleen.
" ayieeeeeeee" sabay tili nina sarai,zera at jl.
" tsk, pwede na kayong pumunta sa kwarto niyo at doon tapusin yan." Masungit na sabi ni amelia.
"S-sorry hehe tara na kain na tayo?" May pag aalinlangan na sabi ni jen at agad namang tumango si calix.
" put down all that bags and let's eat and by the way welcome back coleen,amber, and jenilyn" ani calix kaya isa-isang nakipagkamay sa amin ang mga bagong dating bago kami tuluyang nagpunta sa kusina.
Jenilyn pov:
Habang kumakaim ay di ko maiwasang mapangiti. Masaya ako at sa wakas ay andito na ulit ako sa pamilyang kinagisnan ko.
" mukha kang baliw na iniisip ako. Ngumingiti nang walang dahilan" panirang sabi ni coleen. Kilala ko na siya noon pa.
" che! Masaya lang ako noh!" Ani ko at nagpatuloy na sa pagkain.
" nga pala calix, kailan kayo papasok sa university? Balita ko wala pa kayo dun." Nakuha naman agad ang atensyon ko nang sabihin iyon ni amber.
" bukas na kami papasok" ani calix.
" oi edi sabay na tayo kung ganun. Tutal kilala naman niyang si raine ang HM eh " sabi ni coleen at siniko pa ako.
" i won't " ano raine at agad na tumayo. Kj ang peg ate raine.
![](https://img.wattpad.com/cover/323450465-288-k691547.jpg)
BINABASA MO ANG
La Familia De Gamus
Teen FictionIsang pamilya na binuo ng mga tao na hindi magkadugo. Ang Pamilya na nabuo online ay magkikita sa personal at titira sa isang bahay. Masaya silang namuhay kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan na naganap, Hanggang isang tao ang pumasok sa pam...