chapter 37

10 1 1
                                    


ELLY POV:

Gaya ng utos ni Head ay nagpahinga nga ako, umaasa na pag-gising ko ay makakalimutin ko lahat nang nangyari sa kahapon.

Muli akong napaisip.

Sino ang pipiliin ko?

Ang pamilya ba na matagal ko ng pinangarap kaso di ko kadugo

O

Ang pamilya na inaasam-asam ko na makilala ko pa?

Matapos akong tumunganga sa kisame ay nagpasya na akong lumabas. Kita ko mula sa bintana na mainit na. Napatingin naman ako sa orasan at nasa bandang alas otso na pala.

Dahan-dahan lang ang pagbukas ko ng pinto pati na sa pagsarado nito.

Maingat kong tinahak ang direksyon papunta sa sala at nagpapasalamat naman ako na wala roon ang Gamus, hindi pa ako handa na harapin sila.

Papasok na sana ako sa kusina nang may marinig akong nagbubulungan. Sumilip ako sa pinto at nakita kong nakayakap si Amber kay Jen.

" A-amber, it's my fault. Kung Hindi sana ako nagpapaniwala kay Elaine ay hindi magagalit sa atin si Elly." Ani niya at tahimik na humihikbi.

" Shhh.... Tahan na Jen, ang importante ngayon ay wala na si Elaine... At si Coleen." Pag-aalo naman ni Amber.

" A-alam kong  mula sa simula pa lang ay m-may binabalak na si Elaine. I-inamin niya sa akin na may gusto siya kay Raine. Siya rin ang nagpapahirap kay Elly sa university. Amber alam ko na masama siya pero pumayag ako sa balak niya. Nagpadala ako sa nararamdaman ko at iniisip ko na baka... Baka sakaling malaman ko kung totoo ba ang pagmamahal ni Coleen sa akin o hindi kapag..k-kapag ginamit ko si Elly." 

" Shh... Wala kang kasalanan, humingi ka naman na ng tawad sa kanga eh."

" Amber, hindi na ako mapapatawad ni Elly, I used her. T-tapos alam ko rin ang plano ni Elaine tungkol sa Clinic... Pero wala akong ginawa. A-alam ko rin a-ang pagkuha sa kaniya kahapon." Kita ko na napatanga si Amber sa sinabi ni Jen.

May kinalaman si Jen sa mga nangyare sa akin. Pero wala siyang ginawa.

Hindi ko alam pero bigla na lang uminit ang ulo ko matapos kong marinig ang mga sinabi ni Jen. Papasok na sana ako sa loob nang may magsalita sa likod ko.

" Elly? Bakit Hindii ka pa pumapasok?" Nagtaka na tanong ni JL. Hinfi ko siya hinarap o nilingon. Nanatili akong nakatingin sa direksyon nina Jen at Amber na halatang nagulat na andito ako. I smirks from that thought. Kabahan ka na...

" Papasok din naman ako JL, nakikinig lang ako sa usapan Nina Amber at Jen." Pag-aamin ko. What's the use of hiding it.

Dahan-dahan akong naglakad papunta kina Jen at tumigil mismo sa harapan niya.

"E-elly...." Mahina niyang sabi.

" Hmmm?" Tanging sagot ko. Bahagya pa siyang nagulat, akala niya c'guro ay hindi ko siya papansinin.

" Elly I'm s-sor- pak"

" ELLY!!!" Narinig kong sigaw Nina Amber at JL at bahagya pa akong hinila ni JL para makalayo sa babaeng nasa harap ko na nagsimula na namang umiyak. Samantalang, inalalayan naman ito ni Amber.

" Teh elly ano ba! Ba't mo sinampal si Jen. Sumusobra ka na ah." Ani ni JL at ramdam ko ang higpit na pagkapit niya sa braso ko.

Kahit nakatalikod ako ay rinig na rinig ko ang mga yapak na papasok sa kusina.

" Hoy anong nangyare here??" Rinig kong sigaw ni Yves.

" Masakit ba?"

" Gago ka ba Elly? Ih ikaw kaya ang sampalin ko?" Sigaw ni Amber pabalik sa akin at napasinghap naman ang nasa likod namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

La Familia De GamusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon