Elly pov:
Handa na ang lahat. Nandito ako sa kwarto kasama si sarai na kanina pa puri nang puri sa akin habang ang iba naman ay nasa kwarto lang nila.
" Ganda mo talaga ate elly!!! Lalo na pag may blush onnn myghaddd!!" Tili niya habang tinitingnan ako mula sa salamin. Ako kase ang nag aayos nang buhok niya.
" Nakks ka sarai, hindi naman"
" Ah basta maganda ka saka ate lahat naman tayo maganda eh tandaan mo lage yan" ani niya at napatango nalang ako dahil alam ko naman na hindi siya titigil hanggat di ako sumasang-ayon.
Nag usap lang kami ni sarai pagkatapos namin mag ayos sa sarili namin. Simple lang naman ang suot namin. Lahat nang girls ay nakadress at ang boys naman kahit ano basta maayos.
" Sarai...elly...labas na andito na ang ibang bisita!" Rinig kong tawag ni thea kaya agad akong tumayo at binuksan ang pinto at tama nga ako.
" Ah sige susunod kami" ani ko at umalis naman siya.
Agad kong pinuntahan si sarai.
" Nandiyan na daw ang ibang bisita" ani ko at nagulat naman ako nang dali-dali itong tumayo.
" Omyy ate makikita ko na Ang buong gamus memberssss!"
At nauna ma siyang lumabas. Iniwan ba naman ako tsk. Kaya sumunod ma ako sa kanya. Pagdating ko palang sa sala ay kita ko na kung gaano kadami ang tao. Agad kong hinanap si sarai pero hindi ko siya nakita. Hirap talaga pag pandak.
" Oi elly!" Agad kong nilingon kuny sino ang tumawag sa akin at nakita ko naman agad si mics.
" Bakit?" Ani ko ngunit umiling lang siya.
" By the way, girlfriend ko nga pala si Catherine and mahal meet the new member of the family,elly." Ani niya at agad namang inabot nung babae ang kamay niya sa akin para makikipagkamayan kaya agad ko naman itong inabot.
" Nice to meet you" ani niya at ngumiti nalang ako bilang tugon.
" Geh mauna na kami ah" ani mics kaya agad akong tumango. Hanggang ngayon nahihiya padin ako sa kanila,siguro di namna yun maiiwasan. Bakit kase ako iniwan mi sarai haist.
Pupunta na sana ako nang kusina nang may makabanggaan ako.
" Sorry"
" Paumanhin po"
Sabay naming sabi. Tiningnan ko kung sino ang nakabanggaan ko at laking gulat ko nang makilala siya.
" Gio?" Sambit ko at agad naman niya akong tiningnan. Wala akong narinig mula sa kanya pero nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako patungo sa madilim na bahagi sa likod nang bahay. Nakita ko pa kung paano galit akong tiningnan ni amelia nang makita niya kami ni Gio.
"A-anong kailangan mo? B-bat mo ko dinala dito?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
" I need your help" prente niyang sabi.
" Anong klaseng tulong ba?" Bahagya siyang lumapit sa akin at ibinulong ang hinihingi niyang pabor.
Pagkatapos niya sabihin ay agad akong sumang-ayon. Sabay kaming pumasok sa loob nang bahay. Tiningnan ko ang oras sa sala at nakitang alas onse imedya na.
" Maghanda na lahat malapit na mag pasko!" Sigaw nina calix,micz, Jake,at Christine kasama yung isa pang kasamahan na si robmarc.
Ayon sa nahagap ko na balita ay sila ang gumawa o nakapag-isip na gumawa nang pamilya or in the other word they are the creator of la familia de gamus.
Tiningnan ko si Gio sa tabi ko. Kita ko ang saya sa mga mata niya,pero napatanong naman agad ako sa sarili ko. Kaya ko ba? Kakayanin ko ba ang ginawa ko? Mapapanindigan ko kaya ito?
BINABASA MO ANG
La Familia De Gamus
Teen FictionIsang pamilya na binuo ng mga tao na hindi magkadugo. Ang Pamilya na nabuo online ay magkikita sa personal at titira sa isang bahay. Masaya silang namuhay kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan na naganap, Hanggang isang tao ang pumasok sa pam...