Sarai pov:
Kitang-kita ng mata ko ang galit at poot na nararamdaman ni Ate Elly ng marinig niya kanina ang pag-uusap namin ni Kuya Calix, at ayaw ko na nasasaktan siya.
Nasa labas silang lahat habang inaantay nila na dumating si Ate Elly na sinusundan ni Raine at Sheila. Kaya habang nag-aantay sa kaniya- napagdesisyunan ko nalang na mamalage muna sa kwarto namin.
Habang nakatulala ay narinig kong may pumihit sa door knob, sa pag-aakalang si Kuya Calix ito ay hindi ko na tiningnan pa.
" Dumating naba si Ate Elly?" Tanong ko nang hindi tiningnan ang pumasok.
" I'm here" agad akong napalingon sa taong nakatayo sa may pintuan habang sinarado ito. Agad nanubig ang mata ko at mabilisna tumayo sa pagkakaupo sa kama at niyakap siya.
" A-ate Elly... I'm sorry" wala sa sariling sabi ko at yakap-yakap siya. Ramdam ko ang marahan na paghagod niya sa likod ko na mas nakakapagparamdam sa akin ng guilt. Paano ko kakayanint umiyak at paiyakin ang kagaya niya?
Agad akong iginala ni Ate Elly patungo sa kama at naupo.
" Gusto kong marinig ang rason mo kung bakit kinakailangan mong umalis" diretso niyang sabi habang nakatingin sa akin.
Napalunok ako sa sarili kong laway. Nasanay ako na lageng nakangiti sa akin si Ate Elly, pero sa nakikita at nararamdaman ko ngayon? Iba ang presensya niya. Yun' tipong lahat nang sasabihin ko at kailangan kalkulado kung hindi, may magbabago.
Nilakasan ko ang loob ko at tumingin kay ate elly na prente ng nakaupo ngayon sa harapan ko. Ni hindi ko manlang napansin ang pagkuha niya ng silya.
"Ate elly... S-sorry. H-hindi ko naman gusto na iwanan kayo eh. Pero kase, kinakailangan kong umalis. Pero babalik naman ako Ate Elly... Babalik naman ako " at pagkatapos ay tuluyan nang kumawala sa mga mata ko ang luh na kanina ko pa pinipigilan.
Kung may choice lant ako ay hindi ko sila iiwanan, pero kailangan kong maging malakas at matatag para sa sarili ko.
" Bakit? Ano ang rason mo at aalis ka?" Walang emosyon niyang sabi sa akin.
Hindi ko alam kung handa ba ako na ikuwento sa kanya ang lahat. Natatakot ako Hanggang ngayon sa ala-ala na iyon.
Flashbacks
Masaya akong naligo sa tubig nang ulan. Nasa loob lang nang bahay si papa, habang si mama ay nasa palengke.
" Sarai pasok ka na!!!" Rinig kong tawag ni papa per binalewala ko nalang.
" Wooooooohhhhh.... Ang sayaaaa...." Inaamin ko na kahit thirteen years old na ako, gusto ko parin ang maligo sa ulan.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa namalayan kong wala na ako sa tapat nanh bahay namin.
Nagsimula nang manginig ang katawan ko sa takot, idagdag pa ang lamig nang panahon. Ano nang gagawin ko? Nasaan ba ang bahay namin at ako? Mga tanong na hindi ko masagot.
Ilang minuto ang hinintay ko nang may dumaan na dalawang lalaki. Agad naman nila akong napansin.
" Oy bata! Anong ginagawa mo riyan?" Tanong nang lalaking mapayat, yung isa niyang kasama ay mataba.
" Naliligaw po ako huhu... Gusto ko na po imuwi..." Kita ko ang pagkagulat sa mga mata nila at maya-maya pa ay nilapitan nila ako.
BINABASA MO ANG
La Familia De Gamus
Novela JuvenilIsang pamilya na binuo ng mga tao na hindi magkadugo. Ang Pamilya na nabuo online ay magkikita sa personal at titira sa isang bahay. Masaya silang namuhay kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan na naganap, Hanggang isang tao ang pumasok sa pam...