ELLY POV:
What the hell!!!
" Zeraaaa ano baaaaaa dalian mo namnnn!" Sigaw ni Amber habang hindi alam kung paano pahuhupain ang apoy.
Kita ko naman ang kararating lang na si Jl na may dalang container. San naman galing yan?
" Buhusan mo na daliiii." Tili ni Jen habang paikot-ikot lang.
Hindi na ako nagsayang ng oras at lumapit sa kanila. Bago pa man buhusan ng tubig ni Jl ang nag-aalab na apoy ay pinigilan ko na ito.
Agad kong kinuha ang towel na nakasabit sa gilid at binasa ng tubig. Saka ko ito ipinatong sa nag-aalab na apoy. Basta alam niyo na iyon. [ Di ako marunong mag describe paano un hihi xd basta ganun ◉‚◉)
Agad namang naapula ang apoy at pansin ko ang pagbuga nila ng hangin.
" Asan na ang apoy?" Natarantang ani ni Zera habang bitbit ang isang basong tubig.
Agad namang nabatukan ni Shiela si Zera na ngayon ay naiiyak nang tumingin sa amin.
" Gusto ko lang naman tumulong ah pero b-bat gano-.." hindi niya agad natapos ang sasabihin ng akmang babatukan na naman siya ni Shiela.
" Sige...tuloy mo pa at nang masapak na kitang gago ka." Kawawang Zera hahaha.
Pagkatapos ay nilinis na namin ang kusina at nagkanya-kanya na kami.
Pumunta ako sa likod ng mansion at umupo sa bench. Hindi ko alam pero parang may tumulak sa akin na tangggapin ang alok bilang isang exchange student sa Asuncion university.
Aaminin ko na may parte sa akin na natatakot pero mas nanaig parin ang part na dapat akong pumunta... Na kailangan kong puntahan ang lugar na iyon.
Wala namang masama kong magtake a risk sa mga bagay na gusto kong malaman diba? Lahat naman ng pangyayare ay may nakatagong dahilan, kaya kung ano man ang dahilan ng Dean at ako ang napili niya ay lubos kong tatanggapin iyon.
....
" ANDITO NA SINA RAINE AT HEAD!!!" rinig kong sigaw ni JL at Zera mula sa sala. Kahit kailan talaga ang dalawang toh partner in crime ang peg.
Agad akong lumabas ng kwarto at isinarado ito bago nagtungo sa sala. Nakaupo na sina Raine at Calix sa usual spot nila habang ganoon din ang iba.
Napatingin ako sa wall clock na andito sa sala ay saktong kinse minutos nalang at mag-ala singko na. Ganoon ba talaga sila katagal nag-usap at halos abutin ng apat na oras?
" Ano na ang resulta ng usapan ninyo?" Agarang tanong ni Coleen at napatingin sa akin. Agad namang nabaling ang tingin ko kay Lix at Raine.
" Tuloy ang pagiging exchange student ni Elly." Ani Lix.
" Owh! Congratulations Elly, di ka magsisi sa university namin." Ani Elaine at ngumisi sa akin. Nakaramdam ako ng kaba sa ngisi niyang iyon pero binalewala ko nalang.
" But, we're doing our best to stop the Deans plan." Seryosong sabat ni Raine na ngayon ay nasa akin na ang tingin.
" Duh, she'll enjoy staying there so ba't niyo pa aayawan and beside maganda naman ang service ng university namin." Kontra ni Elaine.
Hindi ko alam kung ano ang meron sa Elaine at LFDG university at ganoon nalang ito kagalit sa isa't isa. Pero magkasosyo naman sa negosyo.
" She won't enjoy it there." Ani Raine at sa pagkakataong ito ay naglalaban na sila ng tingin ni Elaine. Maski ang iba ay halata na ang tensyon na nabubuo sa pagitan nilang dalawa.
" Tama na po iyan, let's respect the Dean decision....." Agad Silang lahat tumingin sa akin at inaantay ang sasabihin ko.
"Pupunta po ako sa Asuncion university."
...
" Sasama ka ba talaga bakla?" May himig na lungkot na ani ni Yves.
Andito kami ngayon sa canteen at ito na ang huling araw ko sa university dahil next week at tuluyan na akong papasok sa Asuncion university sa loob ng isang buwan.
" Iyon ang kailangan Yves eh." Ani ko at tiningnan ang iba pa naming kasama sa mesa na tahimik lang. Nang mahagip ng tingin ko si Jen at Coleen ay agad akong napaisip. Ayaw kong umalis ng may hinanakit sa kapamilya ko, wala naman sigurong masama kung magpatawad hindi ba?
" Mag-iingat ka doon Elly." Seryosong sabi ni Jake na agad namang sinang-ayunan ng iba. Ngumiti lang ako sa kanya at nagpasalamat.
Pagkatapos namin kumain ay humiwalay ako sa kanila at nagpunta sa tambayan ko. May trenta minutos pa namang natitira bago magsimula ang klase.
Nakaupo lang ako sa bench, malinis parin ang lugar. Kaya paborito ko dito ih, may peace of mind talagang malalanghap. Napapikit ako ng biglang humangin ng malakas at rinig na rinig ko ang paghampas ng hangin sa dahon ng punong sinilungan ko.
Marami-rami na pala ang nangyari mula noong dumating ako dito. Marami na rin akong nalalaman. At alam ko na mas marami pa akong malalalaman sa susunod na kabanata.
" Dito lang pala kita makikita." Rinig kong ani ng isang boses kaya agad akong nagdilat ng mata.
" Lix! Ginulat mo na naman ako ihh.." ani ko at ngumuso pa. Natatawa naman siyang pinitik ang noo ko.
" Ikaw na pala ang naninirahan sa dati naming tambayan? Ba't hindi mo manlang sinabi sa amin?" Nagtatampo niyang sabi.
" Abah, hindi ko alam woi." Pagtanggi ko, agad naman siyang sumeryoso at tiningnan ako. Iyong tingin na tagos kaluluwa.
" Aalis ka na next week." Ani niya.
" Hm... Oo nga ih, mamiss ko kayo." Sagot ko at tumingin sa mga damo. Bakit kaya walang damo na kulay orange? Bakit kadalasan ay green?
" Mag-iingat ka roon ah. Kapag may masamang nangyare sa iyo ay ipaalam mo sa amin agad. Tumakas ka tapos tawagin mo si Darna kase tita naman natin iyon." Rinig ko ba ang mahina niyang bungisngis.
" Wala namang masamang mangyayare sa akin! Saka, para mo na din iniisip na may masama talagang mangyayari."
" May mga bagay na hindi natin expected na mangyayari."
" Magiging okay ako Head. Tandaan mo na ako si Elly hehe." Bumuntong hininga muna siya bago tumango.
Nag-usap lang kami ng kung ano-ano at bumalik sa room para sa susunod na klase. Nang uwian na ay napagpasyahan ng ilan na sa mansion na ng gamus tumuloy kabilang na sina Yves, jake at lily.
1015 words
Thank you for reading dear.I apologize for the lame update lol
Medyo busy kase ako kaya ganoon na lang at madalang nalang ako makapag-sulat.Pero, I'll try my best para namanakapah ud agad ( ╹▽╹ )
BINABASA MO ANG
La Familia De Gamus
Teen FictionIsang pamilya na binuo ng mga tao na hindi magkadugo. Ang Pamilya na nabuo online ay magkikita sa personal at titira sa isang bahay. Masaya silang namuhay kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan na naganap, Hanggang isang tao ang pumasok sa pam...