Dinner
Elly pov:
Nagising ako dahil sa napakalakas na yugyog sa akin. Napadilat ako nang mata at napatingin sa taong yun.
" hehe, sorry ate ah. Kanina pa kase kita ginising" ani sarai.
" okay lang yun. Anong oras na pala?" Mukhang madilim na sa labas. Buti nalang at nawala yung pagod ko kanina sa byahe.
" alas syete na ate, napasarap nga ata ang tulog mo at halatang napagod ka nga sa byahe kaya ngayon lang kita ginising...ah! Nga pala ate kakain na tayo" ani niya. Napaka-jolly ba talaga niya?
" segi susunod ako, magbibihis lang muna ako" agad siyang tumango at nagpaalam na sa akin at nang makaalis si sarai ay kumuha na ako nang gamit ko at pumasok sa banyo at ginawa ang mga dapat gawin.
Hindi ko na kailangan lumabas para magbanyo kase may banyo na sa kwarto ni sarai.
Pagkatapos ko sa loob ay nagsuot lang ako nang maluwag na t-shirt at pajama. Mula noon sanay na talaga ako sa maluwag na damit,minsan nga natatawag pa akong manang nang mga mas matanda sa akin kase mas mukha daw akong matanda, pero wala na naman akong pake kase ang mas magalaga dun ay buhay ako at humihinga pa.
Dahan-dahan akong naglakad papuntang kusina. Narinig ko pa ang mga tawanan nila. Nang marating ko ay nakaupo na silang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/323450465-288-k691547.jpg)
BINABASA MO ANG
La Familia De Gamus
Roman pour AdolescentsIsang pamilya na binuo ng mga tao na hindi magkadugo. Ang Pamilya na nabuo online ay magkikita sa personal at titira sa isang bahay. Masaya silang namuhay kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan na naganap, Hanggang isang tao ang pumasok sa pam...