ANTHONY'S POV :
Nalasing na nang sobra si Charles kaya naman pinigilan ko na siya . Ni hindi na nga siya makapagdrive para sa sarili niya eh . Kaya naman agad ko na siyang inalalayan papasok ng kotse ko .
''Lynsey , Bakit ba iniwan mo ko ? Bakit namatay ka pa ?'' Tanong niya habang nakaupo sa tabi ko na lasing na lasing.
Hinayaan ko na lang siyang magsalita sa tabi habang nagdadrive ako .
''Alam mo bang sobra akong nasaktan sa pagkawala mo ? Babalik ka pa ba ? Kailan kita makikita ? Sana naman bumalik ka na . Miss na miss na miss na kaya kita . Di bale , Alam ko namang di ka na babalik hahahaha . Alam kong ayaw mo na sakin kaya namatay ka ! Sa tulad kong walang kwentang boyfriend'' Pagsasalita niya sa tabi .
Minsan naiisip ko nang tuktukan 'tong si CHARLES para matauhang wala na si Lynsey . Hanggang ngayon talaga ayaw pa niyang tumigil .1 year na ang nakakaraan pero hanggang ngayon nasasaktan parin siya .
Makalipas ang ilang oras , Dumating na kami sa apartment na tinitirahan niya . Mag-isa lang siya sa apartment niya . Binuksan ko na ang gate at inalalayan na siya papunta sa kwarto niya .
''Lynsey , Wag mo kong iiwan'' Sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
''Charles , Patay na siya'' Sabi ko.
''Lynsey'' Sabi niya habang nakahiga.
''Magpahinga ka na , May pasok pa bukas'' Sabi ko.
Bumaba na ko papunta sa Living Room . Napatingin ako sa mga picture frames na nakadisplay sa Living Room .
''Iniba na pala niya'' Sabi ko nang makita kong wala na kahit isang picture ni Lynsey sa picture frames na nakadisplay.
Dati , Puro pictures pa ni Lynsey ang nakalagay diyan pero ngayon mga picture na lang niya at mga bungo na design . Hindi naman talaga ganito si Charles dati .
BINABASA MO ANG
When Time Flashes
Fanfiction~ When Time Flashes ~ Kapag nawala ang isang tao , Lubos tayong nalulungkot . Paano na lang kung ang mismong ikamatay ng taong mahal mo ay ang sariling kamalian mo ? Magagawa mo pa bang patawarin ang sarili mo ? . Pipiliin mo bang muling umibig o ma...