LELA'S POV :
Tahimik lang akong nanonood ng TV sa bahay nang biglang may kumatok . Binuksan ko ang pintuan at nagulat kay Anthony . Bigla niya kong niyakap .
''Anthony , What happened ?'' Tanong ko.
''Wala ka pa bang nalalaman ?'' Tanong niya.
''May dapat ba akong malaman ?'' Tanong ko.
''Lela , Kakaiba ang ikinikilos ni Ashley'' Sabi niya.
''Alam ko naman 'yun , Sabi niya sakin may importanteng misyon daw siyang gagawin at sa tingin ko kasama ka sa misyon na 'yun'' Sagot ko.
''Lela , Ano ba talagang misyon 'yun ?'' Tanong niya.
Napansin ko naman ang pasa niya sa mukha .
''Anong nangyari sayo ?'' Tanong ko.
Tumingin siya sakin habang naluluha .
''Hindi ko alam kung bakit sinuntok ako ni Charles nang mag-usap kami ni Ashley sa Restaurant pero sa tingin ko , Akala niya traydor kami ni Ashley'' Sagot niya.
''Totoo ba 'yun ?'' Tanong ko.
''Hindi ,Ni hindi ko maintindihan kung bakit ba ko gustong makasama ni Ashley ?'' Tanong niya.
''Sige , Aalamin natin'' Sabi ko.
Agad na kong tumayo nang paseryoso sabay hawak sa kamay ni Anthony .
''Tara , Puntahan natin siya sa bahay'' Sabi ko.
Agad na kaming umalis ni Anthony sakay ng kotse niya . Seryoso lang ako na nakaupo sa tabi ni Anthony . Gusto kong malaman kung may pagtingin ba ang bestfriend ko sa boyfriend ko.
Nang dumating kami ni Anthony sa apartment niya ay nabigla siya samin .
BINABASA MO ANG
When Time Flashes
Fanfiction~ When Time Flashes ~ Kapag nawala ang isang tao , Lubos tayong nalulungkot . Paano na lang kung ang mismong ikamatay ng taong mahal mo ay ang sariling kamalian mo ? Magagawa mo pa bang patawarin ang sarili mo ? . Pipiliin mo bang muling umibig o ma...