ASHLEY'S POV :
Nang matapos ang klase ay lumabas na ko sa classroom . Nagpunta muna kong CR bago umalis . Nang lumabas ako sa CR ay nagulat ako .
''Hoy ! Babaeng Transfer , Ang arte mo ah !'' Sabi nila sakin.
''Ahhh...Ba..Bakit ?'' Tanong ko.
''Choosy ka pa ! Ikaw na nga ang nilalapitan ni Charles Alvares'' Sabi nila.
''Sino ba 'yun ?'' Tanong ko.
''Siya lang naman yung pinakagwapo at pinakasikat dito !'' Sagot nila sabay lapit sakin.
''Wala naman akong pakialam sa kanya eh'' Sabi ko sabay lakad .
Bigla na lang akong sinabunutan nung mga 4th Year Student at dinala sa loob ng Girl's CR . Inilublob nila ang ulo ko sa isang malaking container ng tubig .
Pinagsasabunutan pa nila ko't pinagtutulak . Ihinagis nila yung bag at mga notebook ko sa labas ng CR nang biglang .....
''Tigilan niyo 'yan !!!!'' Rinig naming malakas na sigaw ng isang babaeng estudyante na dumating.
Tumigil sila sa pananabunot sakin at nagsilabasan na ng CR . Nakaupo lang ako sa isang sulok ng CR na basang-basa . Kahit na ganito ang ginawa nila sakin , Hindi ako iiyak ! . Hinding hindi .
Nang mangyari 'to sakin , Bigla kong naalala ang isang babae na palaging nagbibigay aral para sakin . Babae na kahit hindi ako gusto ay siya namang kaisa-isang nagpalakas ng loob ko .
FLASHBACK :
Simula pagkabati , Talagang lagi na akong nabibiktima ng pambubully pero never akong nagsumbong sa principal o kina Mom . 13 years old ako nang panahong 'yun . Tandang-tanda ko pa lahat ng sinabi niya nang malaman niyang inaapi ako ng mga classmate ko sa school.
BINABASA MO ANG
When Time Flashes
Fanfiction~ When Time Flashes ~ Kapag nawala ang isang tao , Lubos tayong nalulungkot . Paano na lang kung ang mismong ikamatay ng taong mahal mo ay ang sariling kamalian mo ? Magagawa mo pa bang patawarin ang sarili mo ? . Pipiliin mo bang muling umibig o ma...