CHARLES POV :
Nakakainis talaga ang ganung klase ng babae . Akala niya siguro basta-basta ko na lang siya palalagpasin sa ginawa niyang hindi pamamansin sakin na sikat dito sa school .
Nang magbell at magsilabasan na sa classrooms ang mga students para magrecess ay pasimple akong sumilip sa classroom nila . Nakita ko siyang mag-isa sa loob . Bakit di lumalabas ang babaeng 'to ?
Dumungaw ako sa bintana at napatingin siya . Kinawayan ko siya kaso hindi niya ko pinansin at nagpatuloy lang sa pagbabasa ng libro niya .
''Bwisit'' Sabi ko.
''Huli ka'' Sabi sakin ni Anthony na biglang sumulpot.
''Nakakagulat ka naman'' Sabi ko.
''Haha , Hindi ka parin sumusuko'' Sabi niya.
''Siyempre , Kilala mo ko !'' Sagot ko.
''Mas mabuti kung itigil mo na 'yan dahil wala ka rin namang mapapala sa kanya'' Sabi niya.
Nagulat naman kami nang lumapit sa bintana yung transfer student na 'to at biglang sinaraduhan yung bintana .
''Hindi ko na kaya , Susugurin ko na 'to !'' Sabi ko sabay akmang bubuksan ang doorknob ng classroom .
''Sandali Bro , Sira ka ba ? 3rd Year Student 'yan , 4th Year na tayo ! Baka isipin ng iba na bullying 'to'' Sabi niya.
''Wala akong pakialam'' Sagot ko sabay hawak at pihit sa doorknob kaso .....
''Oh , Akala ko ba bubuksan mo ?'' Tanong ni Anthony.
''Bro , Nakalocked ! Bwisit talaga'' Sabi ko sabay kamot sa ulo ko .
''Hahaha , Sinabi ko namang tumigil ka na'' Sabi niya.
''Hindi pwede ! Wala pang nakakatalo saking babae ! Hindi ako papayag , May araw din sakin ang babaeng 'yan'' Sabi ko sabay lakad palayo nang nakasimangot .
BINABASA MO ANG
When Time Flashes
Fanfiction~ When Time Flashes ~ Kapag nawala ang isang tao , Lubos tayong nalulungkot . Paano na lang kung ang mismong ikamatay ng taong mahal mo ay ang sariling kamalian mo ? Magagawa mo pa bang patawarin ang sarili mo ? . Pipiliin mo bang muling umibig o ma...