ANTHONY'S POV :
Habang naglalakad kami sa hallway ni Charles ay biglaan nang dumaan yung transfer student . Kinalbit ko si Charles at napangiti siya sakin .
''It's Showtime'' Bulong niya.
Mukhang di ko magugustuhan ang pinag-iisip ni Charles sa babaeng 'to . Kawawa siya pag nagkataong umibig siya kay Charles .
Napatingin kami sa babaeng transfer . Nakayuko lang siyang naglalakad kahit na marami ang napapatingin sa kanya . Miski ako napansin ang kagandahan niya .
''Miss'' Sabi ni Charles sa babae.
Napatingin samin ang babae kaso tuloy-tuloy lang siya sa paglakad . Napangiti ako kay Charles.
''Hayy ! Buwisit'' Sabi ni Charles.
''Mukhang hard to get siya'' Sabi ko.
''Hindi siya uubra sakin'' Sabi niya.
''Hoy Charles'' Sabi ko nang lapitan niya yung babae .
Akma nang papasok sa classroom yung babaeng transfer nang lapitan siya ni Charles.
''Hi Miss'' Sabi niya.
Mas napangiti ako nang pumasok lang sa classroom yung babae na tila parang wala si Charles sa harapan niya . Napakamot ulo si Charles na lumapit sakin.
''So Ano , Bro ? Suko ka na ?'' Tanong ko.
''Hindi pa !'' Sagot niya.
''Tigilan mo na kasi'' Sabi ko.
''Hindi ang tulad niya ang makakatalo sakin , Hindi . May araw din ang babaeng 'yan'' Sabi niya sabay ngiti.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad . Naku , Talagang minamalas ang babaeng 'yun . Kilala ko si Charles . Hindi siya titigil hangga't hindi napapahulog ang loob ng target niya saka niya ibebreak . By the way , May kamuka siyang kakilala ko . Hindi ko lang masyadong marecognize .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ASHLEY'S POV :
My name is Ashley Joyce Barrera . Nagmula sa mayaman pero brokenfamily na pamilya . Mag-isa lang akong naninirahan sa apartment ko . Galing kasi akong USA .Doon ako lumaki . Naisipan ko namang itry ang Pilipinas kaya nandito ko .
Pumasok na ko sa classroom naming mga 3rd Year Students .
''Miss , May free seat dito'' Rinig kong sabi ng isang babae .
No choice ako kaya umupo na ko sa tabi niya . Nakangiti siya sakin pero di ko parin siya kinakausap .
''Miss , Anong name mo ?" Tanong niya.
''ASHLEY BARRERA'' Sagot ko nang paseryoso.
''Hi , Ashley . Ako nga pala si Lela Hern'' Sabi niya.
''Hi'' Sagot ko.
''Wag kang mahiya'' Sabi niya.
''Hindi ako nahihiya'' Sagot ko.
''Ikaw pala yung transfer student'' Sabi niya.
''Ako nga'' Sagot ko.
''Pwede mo kong maging friend'' Sabi niya.
''Wag na lang , Sanay ako nang mag-isa'' Sagot ko.
''Ahhh...Ta...Talaga ? Sige'' Sabi niya.
Tahimik lang akong nakaupo sa upuan habang siya kanina pa hi nang hi sakin .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
When Time Flashes
Fanfic~ When Time Flashes ~ Kapag nawala ang isang tao , Lubos tayong nalulungkot . Paano na lang kung ang mismong ikamatay ng taong mahal mo ay ang sariling kamalian mo ? Magagawa mo pa bang patawarin ang sarili mo ? . Pipiliin mo bang muling umibig o ma...