CHARLES POV :
''Dahil sakin nawala siya'' Sabi ko habang nag-iinom katabi si Anthony.
''Bro , Tapos na 'yun'' Sabi ni Anthony sakin.
''Kahit na , True Love ba kamo ? Jusko , Hindi totoo yun kaya kung ako sayo magbago-bago ka na lang . I-enjoy mo ang life mo'' Sabi ko.
''Nag-eenjoy ka na maraming pinapaiyak na babae ?" Tanong niya.
''Oo naman , Di ka lang kasi sanay . Try mo masasanay ka rin'' Sabi ko.
''Ayoko , Naniniwala akong darating din ang tamang babae para satin'' Sabi niya.
''Walang katotohanan 'yan , Yun ngang tamang babae para sakin namatay eh'' Sabi ko.
''Dahil yun ang nakatakda'' Sabi niya.
''Nakatakda ? Para saan ? Para mas lalo akong masaktan ?" Tanong ko.
''Mabuti pa , Umalis na tayo'' Sabi niya.
''Ayoko , Nag-eenjoy pa ko'' Sabi ko.
''Hanggang kailan mo ba sisisihin ang sarili mo ?" Tanong niya.
''Hanggang sa mamatay na ko'' Sagot ko.
''Sira ka ba ?! , Mas mabuti kung magbabago ka na'' Sabi niya.
''Magbabago ? Bakit kapag nagbago ba ko mabubuhay si Lynsey ? Diba hindi naman'' Sabi ko sabay inom ulit ng alak.
''Alam ko 'yun pero sana marealize mo na dapat maging bukas muli ang puso mo sa darating na tamang babae sa buhay mo'' Sabi niya.
''Naku , Tama na nga yan Anthony . Masasayang lang ang laway mo kakasabi ng about diyan sa love na yan . Tandaan mo na walang true love'' Sabi ko.
Nanahimik na lang siya sa tabi ko't nakipag-inuman sakin .
Love ?! Nung buhay pa si LYNSEY , Naniniwala pa ko dun pero nung mawala siya . Nagbago na ang lahat . Napatunayan ko na yun sa sarili ko . Yun ang katotohanan . Si Lynsey na lang ang nagpapasaya sakin nawala pa dahil sa sariling kasalanan ko . Yun ang pinakanakakainis eh . Hindi ko man lang siya pinahalagahan . Tama siya , Pinili niyang magstay dito sa pilipinas para sakin at hindi siya sumama sa USA kasama ng pamilya niya tapos sinira ko lang ang lahat .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ANTHONY'S POV :
My name is Anthony Blanchard . 16 years old 4th Year High School Student sa Franklin High School . Classmate and Bestfriend ni Charles since 1st Year High School .
Naiintindihan ko naman kung bakit nagkakaganyan ang bestfriend ko . Yun ay dahil nasaktan siya nang sobra . Hanggang ngayon wala siyang ginawa kundi sisihin ang sarili niya . Inaamin ko na sobrang nagalit ako sa kanya noon kaso anong magagawa ko . Bestfriend ko siya at alam ko namang mahal na mahal niya si Lynsey .
Gusto ko si Lynsey nang higit pa sa pagkakaibigan kaso nang malaman kong mahal niya rin si Charles , Nagparaya ako at tinanggap na lang ang katotohanan . Alam ko ding may pagkakamali ako sa nakaraan . Alam kong seloso si Charles pero di parin ako nag-ingat . Nagselos tuloy siya . Bestfriend ako ni Lynsey at naikukuwento niya ko sa pamilya niya kahit na never ko pa silang na-meet .
Broken family kasi ang pamilya ni Lynsey kaya naman hindi nila kasama si Lynsey sa bahay . Nakatira dati sa Apartment nang mag-isa si Lynsey habang ang pamilya niya pumunta nang USA . Naiwan siya dahil mas pinili niya si Charles . Hindi alam ng pamilya ni Lynsey ang pangalan ng boyfriend niya . Siguro kaya mas nagselos si Charles kasi naikukuwento ako ni Lynsey sa pamilya niya dati .
Ang nakaraan ay nakaraan na lamang . Kailangang magmove on na si Charles kaso hindi niya magawa dahil mahirap . Alam ko 'yun .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
When Time Flashes
Fanfiction~ When Time Flashes ~ Kapag nawala ang isang tao , Lubos tayong nalulungkot . Paano na lang kung ang mismong ikamatay ng taong mahal mo ay ang sariling kamalian mo ? Magagawa mo pa bang patawarin ang sarili mo ? . Pipiliin mo bang muling umibig o ma...