Chapter 25 - The End

104 3 0
                                    





ANTHONY'S POV :



Dumating ako sa tabing-dagat kaso wala na si Charles doon kaya naman naisip kong baka sa Choi's Restaurant siya nagpunta dahil doon lang naman siya tumatambay kapag gusto niyang mag-inom . 



Hindi ako nagkakamali nandun nga siya . Nang dumating ako ay nakita kong magkaharap na sina Ashley at Charles at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila . Palapit na sana ko nang biglang umalis si Ashley at bigla siyang habulin ni Charles .



Nasaksihan ko ang part kung saan mababangga na ng kotse si Ashley pero dahil sa tulong ni Charles ay nakaligtas siya . Naalala ko si Lynsey . Hindi man nagawang iligtas ni Charles si Lynsey , Nailigtas naman niya si Ashley . 




Natumba sila sa kabilang part ng kalsada kaya't nagtatakbo na ko sa kanila .



''Charles , Wake Up !'' Sabi ni Ashley.



''Dalhin natin sya sa Hospital'' Sabi ko sabay tawag ng ambulansya .



Dinala na sa Hospital si Charles . Naghihintay kami sa Waiting Area ni Ashley ngayon at sakto naman ang pagdating ni Lela .



''Guys , Kumusta na siya ?'' Tanong ni Lela.



''Ayun , Ginagamot pa ang mga sugat niya kasi naman nakipagbugbugan pa ata'' Sagot ko.



''Eh Ikaw , Ashley ?'' Tanong ni Lela.



''Okay lang ako'' Sagot niya.



''Ano nang desisyon mo ?'' Tanong ko.



''Magiging masaya na ko'' Sagot niya sabay smile samin .



''What do you mean ?'' Tanong ko.



Bigla nang lumabas ang doctor.



''Kumusta na po siya ?'' Tanong ni Ashley.



''Ahhh , Okay na ang sugat at pasa niya . Pwede niyo na siyang puntahan sa loob'' Sagot ng Doctor.

When Time FlashesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon