CHARLES POV :
Tama si Anthony na dapat nang kalimutan ang nakaraan . Tama siya sa sinabi niyang hindi lahat ng babae magkakatulad . Tama siya na hindi pinaglalaruan ang feelings ng mga babae . Ngayon ko lang narealize ang lahat .
Tama rin siya na hindi pa katapusan at may darating pnag karapat-dapat na babae para sakin . Si Ashley na kaya 'yun ? . Dahil sa galit ko sa buong mundo at sa sarili ko , Nasira ko ang buhay ko .
Nagbago ko't naging playboy nang mawalan ako ng tiwala sa sarili ko . Nang dumating ako sa apartment ko ay naupo muna ko sa Living Room at kinuha ang Photo Album ko . Photo Album kung saan halos kasama ko si Lynsey sa lahat ng pictures .
''Lynsey , Patawad .. Hindi kita nailigtas'' Sabi ko sabay hawak sa picture niya .
Napaluha ako nang makita ko ang picture niyang nakasmile kasama ko .
''Alam ko namang minahal mo ko at alam ko rin sa sarili ko na mahal kita kaso nawala lang lahat dahil sa pagseselos ko . Hindi kita pinagkatiwalaan at dahil doon nagtatakbo ka't nabunggo ng kotse'' Sabi ko .
Ibinaba ko na ang photo album at itinago sa cabinet . Tumayo na ko't pumasok sa kwarto ko. Nagawa kong magmahal ng iba . Nakapagdesisyon na ko . Sasabihin ko na kay Ashley ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya .
Agad na kong natulog nang mahimbing at kinabukasan , Nagmadali na kong maligo't magbihis . Agad na kong umalis sakay ng kotse ko .
''Oh , Himala maaga ka'' Sabi ni Manong Dennis.
''Siyempre po'' Sabi ko.
''Anong meron at maaga kang pumasok ?'' Tanong niya.
''In Love ako'' Sagot ko.
''Talaga ?'' Tanong niya.
''Oo naman'' Sabi ko.
''Maniwala sayo , Lagi mo namang sinasabi sakin 'yan kaso lahat ng babaeng nagkakagusto sayo pinapaiyak mo lang'' Sabi niya.
BINABASA MO ANG
When Time Flashes
Fanfic~ When Time Flashes ~ Kapag nawala ang isang tao , Lubos tayong nalulungkot . Paano na lang kung ang mismong ikamatay ng taong mahal mo ay ang sariling kamalian mo ? Magagawa mo pa bang patawarin ang sarili mo ? . Pipiliin mo bang muling umibig o ma...