Chapter 2 - Flashback

197 4 0
                                    




CHARLES POV :



Habang umiinom kami ng alak ni Anthony ay hindi ko naiwasang magsalita nang tungkol kay Lynsey . 



''Nawala siya nang dahil sakin'' Sabi ko.



''Charles , Aksidente yun'' Sabi ni Anthony.



''Alam mo naiintindihan ko kung bakit nagalit ka sakin noon . Dahil mahal mo si Lynsey , Alam mong mahal din niya ko at mahal ko siya kaya mas pinili mong magparaya kaso heto namang ako , sinira ko ang relasyon namin . Naging seloso ko'' Sabi ko.



''Inaamin kong talagang nagalit ako sayo noon , Nasayo na siya pero pinakawalan mo pa'' Sabi niya.



''Sa pagseselos ko , Inaway kita . Hindi man lang ako nanigurado . Sinira ko ang lahat . Kasalanan ko nga ang pagkamatay niya'' Sabi ko.




''Matagal na 'yun , Dapat kalimutan na natin'' Sabi niya.




Si Lynsey Hatten . She's my girlfriend 1 year ago kaso namatay siya nang dahil sakin . Dahil sa kasalanan ko . 




FLASHBACK :



Seloso ko nang panahong 'yun . Nang malaman ko na may pagtingin si Anthony na bestfriend ko sa girlfriend kong si Lynsey , Nagsimula na kong magalit sa kanya . Ayaw na ayaw kong lalapitan niya si Lynsey . 



Nagsimula ang lahat nang makita ko silang magkasamang kumakain sa canteen dito sa school noong 3rd year pa kami .



''Lynsey ! Anthony !'' Sigaw ko.



''Oh Charles'' Sabi ni Lynsey.



Agad kong sinugod si Anthony at natumba siya . Tinulungan siya ni Lynsey na makatayo.



''Ano bang problema mo ?" Tanong ni Anthony.



''Ikaw ! , Inaagaw mo siya'' Sagot ko.



When Time FlashesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon