CHARLES POV :
Kinabukasan , Maaga akong gumising para puntahan si Ashley sa Apartment niya total wala rin namang pasok ngayon eh .
Nang dumating ako sa apartment niya ay nagdoorbell na ko kaso walang lumalabas sa pintuan kaya naman nagdesisyon na kong akyatin na ang gate . Nang makatawid na ko ay agad ko nang hinawakan ang doorknob kaso nakalocked .
''Ashley ! Ashley !'' Pagtawag ko sa pangalan niya.
Wala paring sumasagot kaya naman lumabas na ko ng gate .
''Anong ginagawa mo dito ?'' Rinig kong tanong niya na nakatayo sa harapan ko.
''Ashley'' Sabi ko sabay lapit sa kanya.
''Wag mo nga kong malalapitan'' Sabi niya.
''Ashley , Bakit ?'' Tanong ko.
''Anong Bakit ?'' Seryoso niyang Tanong.
''May problema ba ?'' Tanong ko.
''Oo meron ! Yun ay ang pagiging sinungaling mo at ang mas malalang problema ay hanggang ngayon umaasta kang walang alam'' Sabi niya.
''Ashley naman'' Sabi ko sabay lapit sa kanya kaso bigla niya kong sinampal.
''Yan ay para kay Ate'' Sabi niya sabay sampal ulit sa pisngi ko kaya't napahawak ako sa pisngi ko.
''Yan ay para sakin'' Sabi niya.
''Ashley , Let me explain'' Sabi ko.
''Explain ? Para saan pa ?'' Tanong niya.
''Para maunawaan mo na'' Sagot ko.
''Noon pa man naunawaan ko nang nagkaroon ng walang kwentang boyfriend si Ate'' Sagot niya.
''Patawarin mo ko'' Sabi ko.
BINABASA MO ANG
When Time Flashes
Fanfiction~ When Time Flashes ~ Kapag nawala ang isang tao , Lubos tayong nalulungkot . Paano na lang kung ang mismong ikamatay ng taong mahal mo ay ang sariling kamalian mo ? Magagawa mo pa bang patawarin ang sarili mo ? . Pipiliin mo bang muling umibig o ma...