Chapter 9 - What To Do ?

85 3 0
                                    



ASHLEY'S POV :



Kinabukasan , Nang dumating ako sa school ay bigla akong hinarang na naman nung mga 4th Year Girls na galit na galit sakin . 



''Ano ba talagang gusto niyong mangyari ?" Tanong ko.



''Gusto namin na lumayo ka na kay Charles o kay Anthony man lang !'' Sagot nila.



''Para sabihin ko sa inyo , Hindi ko sila nilalapitan saka wag ako ang pagtripan niyo dahil lang sa wala silang interes sa inyo'' Sagot ko sabay lakad .



Bigla naman akong hinawakan sa braso nung isa . Tiningnan ko siya nang paseryoso .



''Bakit ba ayaw mo na lang umalis dito sa school na 'to ?" Tanong nila.



''Huh ! Hindi ikaw ang makakapigil sa ginagawa kong 'to ! Hinding hindi , Kaya kung ako sayo bitawan mo na ko kung hindi mararanasan mong masaktan nang sobra'' Seryoso kong sabi sa kanya.



''Tapang mo ah ! Papalag ka samin ?!'' Tanong nila.



''Subukan niyo kong galitin nang malaman niyo kung anong kaya kong gawin sa inyo'' Sabi ko.



Binitawan na nila ko at tiningnan ko sila nang masama . Naglakad na ko nang .....




''May gusto ka ba kay Charles ?" Tanong nila.



''Kung sabihin kong oo , May magagawa pa ba kayo ?" Tanong ko.



''Napakalandi mo talaga !!!'' Sabi nila.



''Kaibigan lang naman ang turing ko sa kanya'' Sabi ko.



''Humanda ka samin !'' Sabi nila.



''Hindi ako natatakot sa inyo'' Sagot ko sabay lakad paalis .



Habang naglalakad ako papuntang classroom ay nakita kong palapit na sakin si Lela Hern na kaibigan ko.



''Bestfriend , Nakauwi ka ba ng maayos kahapon ? Diba naiwan ka dito'' Sabi niya.

When Time FlashesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon