ANTHONY'S POV :
Ilang araw nang hindi pumapasok si Ashley at ngayong araw hindi pumasok si Charles . Wala rin siyang pinadalang Excuse Letter at hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko .
Kaya naman nang matapos ang klase para sa araw na 'to ay pupuntahan ko siya . Palabas na ko ng Gate ng lapitan ako ni Lela.
''Anthony , Saan ka pupunta ?" Tanong niya.
''Pupuntahan ko sa Apartment niya si Charles'' Sagot ko.
''Pwede ba kong sumama ?" Tanong niya.
''Of Course , Let's Go'' Sabi ko.
Sumama na sakin si Lela at sumakay sa kotse ko .Nang dumating kami sa apartment niya ay nakita namin siyang nakahiga sa Sofa .
''Charles'' Sabi ko sabay lapit sa kanya.
Hinawakan ko siya sa noo at mainit siya . Ang taas ng sinat niya .
''Bakit di mo sinasagot ang tawag ko ?'' Tanong ko.
''Para Saan Pa ?'' Tanong niya.
''Anong Para Saan Pa ? Bakit naging kaibigan mo pa kami kung di mo lang rin kami bibigyan ng karapatan na mag-alala para sayo ?'' Tanong ko.
''Alam ko naman yun eh pero alam mo namang wala nang nangyayaring maganda sa buhay ko , Puro nalang kasawian !'' Sabi niya.
'''Ahhh ... Anthony , Pwede ko bang makausap si Charles ?'' Tanong ni Lela.
''Sige , Pupunta lang ako sa Tindahan ng gamot para panggamot kay Charles'' Sabi ko.
''Hindi na kailangan'' Sabi ni Charles.
''Tumigil ka na Charles , Sa ayaw at sa gusto mo aalagaan ka namin'' Sabi ko sabay labas ng Apartment niya .
Habang bumibiyahe ako sakay ng kotse ko papunta sa Mercury Drug ay napalingon ako sa pamilyar na babaeng nakaupo sa bench nang mag-isa . Ipinara ko ang kotse at lumabas . Lumapit ako sa kanya at napatingin naman siya sakin .
BINABASA MO ANG
When Time Flashes
Fanfiction~ When Time Flashes ~ Kapag nawala ang isang tao , Lubos tayong nalulungkot . Paano na lang kung ang mismong ikamatay ng taong mahal mo ay ang sariling kamalian mo ? Magagawa mo pa bang patawarin ang sarili mo ? . Pipiliin mo bang muling umibig o ma...