Chapter 22 - Forgiveness

60 1 0
                                    



CHARLES POV :



Love ? Hindi naman kasi talaga totoo 'yun eh . Dalawang beses ko na ngang napapatunayan dahil dalawang beses na rin akong nasasaktan dahil sa pagtitiwala sa LOVE na 'yan na wala naman talagang katuturan at walang katotohanan . Bakit ba kasi ganito ang nangyayari ?




Minsan na akong nagmahal , Minsan na rin akong nasaktan , Minsan narin akong naging tanga dahil sa sarili kong kagagawan . Hindi ko na alam ang gagawin ko .




Nang dumating ako sa school , Pumasok na agad ako sa Gate .



''Sandali , Ikaw ah ... Brokenhearted ka ?" Tanong ni Manong Dennis sakin.



''Manong , Halata ba ?" Tanong ko nang paseryoso.



''Mukhang oo nga , Sige na . Lakad na'' Sabi niya.



Umiling na lang ako't dumaan sa hallway nang magkasalubong kami ni Ashley na may bitbit na libro . Marami siyang dala kaya naman nahulog yung iba pang hawak niya . Lumapit ako sa kanya at pinulot ang gamit niya . Napatingin naman siya sakin .



''Charles'' Sabi niya.



''Sige na'' Sabi ko sabay lakad paalis.



''Sandali'' Sabi niya.



Tumingin lang ako sa kanya nang paseryoso.



''Charles , Pwede ba tayong mag-usap ?" Tanong niya.



''Para saan pa ?" Tanong ko.



''Gusto ko sanang pag-usapan yung tungkol sating dalawa'' Sagot niya.



''Ashley , Wag na lang siguro'' Sagot ko.



''Bakit naman ? Sumusuko ka na ba ?" Tanong niya.



''Ashley , May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila . May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na pero yung pinakamasaklap eh yung na sayo na pinakawalan mo pa'' Sagot ko sabay lakad paalis.

When Time FlashesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon