Chapter 23 - Find You

50 1 0
                                    



CHARLES POV :



Hindi ko hinangad na paiyakin siya at mas lalong hindi ko ginustong layuan siya kaso mukhang wala na talaga gaya ng sinabi niya .




Ganito ako kahina pag dating sa pag-ibig , Madali akong sumuko kaya nga nasaktan ko ang damdamin ni Lynsey noon eh dahil wala akong ginawang tama simula't sapul .




Sa pamamagitan ng paglayo sa kanya , Mas mapapadali ang pagkalimot ko sa kanya at sa lahat ng sakit na naramdaman ko .




Umuwi ako sa apartment ko't nagulat nang makita ko sa harap ng gate sina Lela at Anthony na nakasakay sa kotse ni Anthony .




''Pasok kayo sa loob'' Sabi ko.




Pinaupo ko muna sila sa loob dahil umuulan nga nang malakas .




''Ano nang nangyari sa inyo ?'' Tanong ni Anthony.




''Wala'' Sagot ko.




''Anong wala ? Diba magkikita kayo ?'' Tanong ni Lela.




''Tama ka kaso hindi naman ako nagpakita sa kanya'' Sagot ko.




''Bakit naman ?'' Tanong nila.




''Dahil ayoko nang makita siyang nahihirapan sa pag-iwas sakin'' Sagot ko.




''Sa ginagawa mo mas nahihirapan siya'' Sagot ni Lela.




''Bakit naman ? Diba't ito ang hinahangad niya'' Sabi ko.




''Nagkakamali ka , Handa ka nang pagbigyan ni Ashley'' Sagot ni Anthony.

When Time FlashesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon