CHARLES POV :
Pagpasok ko sa school , Dumiretsyo muna ko sa harapan ng classroom nila Ashley . Sinilip ko siya kaso wala naman siya sa loob . Nakita ko si Lela at agad naman siyang lumabas ng classroom para puntahan ako.
''Charles , Hindi pumasok si Ashley'' Sabi niya.
''Bakit ?'' Tanong ko.
''Ewan ko , Baka siguro hindi pa siya ready'' Sabi niya.
''Sige , Salamat na lang'' Sabi ko.
''Sumusuko ka na ba ?'' Tanong niya.
''Hindi pa naman'' Sagot ko sabay lakad papunta sa classroom ko .
Nang mapadaan ako sa hallway , Narinig ko ang pinaguusapan ng mga 4th Year Girls .
''Napakalandi talaga ng Ashley na 'yun'' Sabi nila.
Lumapit ako sa kanila at alam kong takot sila sakin.
''Pakiusap , Wag niyo nang sasaktan si Ashley'' Sabi ko.
''Ano bang nagustuhan mo sa kanya ?'' Tanong nila.
''Mahal ko siya , Mahal na mahal'' Sagot ko sabay pasok sa classroom .
Kung maibabalik ko lang sana yung oras kung kailan nabubuhay pa si Lynsey eh di sana hindi na umabot sa ganito ang lahat . Gustuhin ko mang ibalik ang oras hindi na pwede .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ASHLEY'S POV :
Ilang araw na rin akong hindi pumapasok sa school . Nawawalan na ko ng ganang pumunta doon lalong-lalo na dahil makikita ko lang si CHARLES . Mas nasasaktan ako sa tuwing makikita siya .
Hindi ko matanggap sa sarili ko na minahal ko yung lalaking nagpabaya sa ate ko . Ayoko na eh , Akala ko Mission Accomlished na kaso naging Mission Failed .
BINABASA MO ANG
When Time Flashes
Fanfiction~ When Time Flashes ~ Kapag nawala ang isang tao , Lubos tayong nalulungkot . Paano na lang kung ang mismong ikamatay ng taong mahal mo ay ang sariling kamalian mo ? Magagawa mo pa bang patawarin ang sarili mo ? . Pipiliin mo bang muling umibig o ma...