ASHLEY'S POV :
Hindi ko parin makalimutan yung nangyari kagabi . Bakit ba kasi ayaw na lang niyang tanggapin na wala na kaming pag-asa ?! Sinisira pa niya ng ganun kalala ang buhay niya . Kulang na lang bugbugin siya ng todo ng mga tambay na 'yun , Mabuti na lang at nandoon ako .
Isa pa , Sinabihan niya kong ''Bahala na , Goodbye'' . Does that mean na sumuko na siya ? . Hindi pa naman ako tuluyang umaalis sa school , Sinabi ko lang habang mas maaga ang balak kong pag-alis . Nakatulala lang ako habang nagdidiscuss ang teacher namin .
''Ahhhh....Ms. Barrera , Bakit hindi ka nakikinig sa discussion ?'' Tanong ni Ma'am.
''Ahh Ma'am , Pasensya na po'' Sabi ko.
''Mas mabuti pang lumabas ka na muna'' Sabi ni Ma'am na seryosong nakatingin sakin.
''Po ?'' Tanong ko.
''Ngayon ka na nga lang ulit babalik sa klase tapos ganyan ka pa'' Sabi niya.
Tumayo na lang ako't lumabas muna ng classroom . Nagpunta muna ko sa Girl's CR . Paglabas ko ay naglakad na ko sa hallway kung saan natigilan ako sa paglalakad nang makitang padaan na si Charles na may mga pasa sa mukha dulot ng pagkabugbog sa kanya .
Napatingin siya sakin nang paseryoso habang ako nakatayo lang sa harapan niya , Ang kaso tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at dinaanan lang ako . Napaisip ako .. Mukhang sumuko na nga siya .
Nang magrecess ay pinuntahan na ko ni Lela .
''Hoy Bestfriend , Ano namang nangyari sayo kanina at nakatulala ka lang ?'' Tanong niya.
Napakamot ako sa ulo ko .
''Kasi naman eh , Hindi ko maintindihan kung bakit sinisira ni Charles ang buhay niya'' Sabi ko.
''Nakalimutan mo na ba ? Diba nga't gusto mo nang tigilan ka niya kaya nga nagkakaganyan siya eh , Bugbog dito ! Bugbog doon !'' Sabi niya.
BINABASA MO ANG
When Time Flashes
Fanfiction~ When Time Flashes ~ Kapag nawala ang isang tao , Lubos tayong nalulungkot . Paano na lang kung ang mismong ikamatay ng taong mahal mo ay ang sariling kamalian mo ? Magagawa mo pa bang patawarin ang sarili mo ? . Pipiliin mo bang muling umibig o ma...