party!

190 2 2
                                    

-------------------------------------------- Hannhel Moment ------------------------------------------------------------

This is it!!!! Christmas party na ng tropa namin....excited na lahat. Minsan lang kami magbebeach nuh. Lagi na lang kasing pool sa subdivision.

Buti na lang pinayagan kami since matatanda naman kami at good thing ihahatid kami ng kuya ni Alex.

“Anni! Ikaw na lang kulang sa inyo!” paninigaw ni Nay.

Si Inay talaga akala yung sinisigawan nasa kabilang bundok. “Nandyan na po” sagot ko naman.

Dali-dali na akong lumabas ng kwarto at tumungo sa kanila.

“Dooone!!!”bati ko sa kanila.

“Akala namin buong tukador mo dadalhin mo” banat ni Ludy.

“Nagsabi ang baul ang dala-dala” ganting banat ko din sa kanya.

Nagtawanan naman kami....

“Nasa labas na sila tara na girls” yaya ni Hannah.

Nagpaalam na kami kina Nay at lumabas na nga kami. Infairness pogi ng driver namin. Hehhehe,este kuya pala ni Alex. It runs with the blood talaga ang kagwapohan nila.

Teka? Kanina pa itong nakatingin sa akin ang Lukrisyong ito ahh.

“hoy, okay ka lang?”papansin ko sa kanya sabay wave wave ng kamay ko sa harapan nya.

“Huh?” natauhan din.

“ May mali ba sa itsura ko?” pagtatanong ko sa kanya.

“May mali nga! Hindi na makapal na ang kilay mo Panget” plain face na sabi nito.

“Parang yun lang ah” sabi ko sa kanya sabay talikod.

----------------------------------------------------Luke Moment ---------------------------------------------------

“Ano pa kaya ginagawa dun ni Panget. Ang tagal naman nila lumabas” pagrereklamo ko.

Kanina pa yun tinawag ng mga kaibigan nya ang tagal naman nito.  Kanina pa kami dito sa labas naghihintay.

“Dito na kami” sabi ni Hannah.

Lumabas din sila......

Kumaway si Panget sa akin..

Teka.....

Teka.....

Teka may iba kay Anni ngayon. Nakaikling short na ito, wala na itong retainer at higit sa lahat hindi na makapal ang kilay nito.

Sh**! Ang ganda ni Anni. I can see her true colors

Hala! Napatulala ako sa kanya huh. Hahahahahaha!

Nagtaka siguro kung bakit titig na titig ako sa kanya. Nung sinabi ko sa kanya kung bakit parang wala lang sa kanya. Hindi pa nya talaga alam ang ganda-ganda nya.

“Sakay na” utos ng Kuya ni Alex.

Sumakay na nga kami........ang trip namin ngayon sa beach. Mag-oovernight kami dun. Isa siyang whitesand beach.

----------------------------------------------Alex Moment ----------------------------------------------------------

Wheww!! Atlast nakadating din kami after 2 hours of travel. Nakatulog ang mommy at daddy namin. Baka hindi nyo po maggets, yung tinutukoy ko po sina Anni at Iyakin.

Ooh sila, ang bida ng kwento na ito. ......

Kumuha muna kami ng 2 rooms para sa babae at lalaki. Ganda ng view, the best place talaga.

Si Panget at Si IyakinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon