Simula nang pangyayari ng gabing yun......naging close na ang mga tropa namin. Naging close narin kami ulit ni Luke ulad nung bata pa kami at madalas na kami nagbibisekleta tuwing gabi.
Oppps!hindi pa po kami...nasa state kami ng di ko alam. Sabi nga sa status ng facebook “it’s complicated”. Kahit ganun po we’re happy yun ang importante.
Ngayon nasa tambayan kami nina Luke. Nakikinood ng praktis nila kasi malapit na nga ang Arki Week nila. Nasa harapan kami nakapwesto kaya kami tagacomment,patay ng music a cheer sa ensayo nila.
“Go!!Jesign!”pacheer-cheer ni Hannah.
Pacheer-cheer pa ito di naman siya pinapansin.
“Galing nilang sumayaw nuh?”comment ko habang nanonood ng ensayo nila.
Nagnod lang ang dalawa kong kaibigan.
“Pahinga muna tayo”. Yaya ni Alex.
Halata ngang pagod sila......umupo din sila sa harapan namin.
“Maganda ba sayaw namin?”tanong ni Luke.
Nagthumbs-up lang ako.
“Malapit na.....99.9% na ang galing nyo subalit datapwat may iba dyan nakasimangot kaya pumapanget sayaw nyo”. Parinig ni Hannah kay Jesign.
“Kasi Hannah andyan ka kasi kaya nakasimangot si Jes”. Singit naman ni Alex.
“Tse!”hala nagwalk-out si Hannah.
Nagwalk-out nga si Hannah kaya hinabol namin napikon ata sa sinabi ni Alex.
-----------------------------------------Luke Moment----------------------------------------------------
Kapagod mag-ensayo buti na lang may inspirasyon ako nasa harapan ko pa.....
Mas madalas ko na nakikita ang dating Hannhel.......kahit napipikon parin ito sa akin. Mas sweet na rin sya ngayon pero di ko magets kung ano nga ba kami “it’s complicated”.
Nagpahinga muna kami sa ensayo.....ganda na ng usapan ngunit ang kulukoy kong kaibigan kong ano naman lumalabas sa bibig napawalk-out si Hannah. Umalis tuloy sina Hannhel.
“Alex talaga!umalis tuloy inspirasyon natin”sabay batok ko sa kanya.
“Inspirasyon natin?baka inspirasyon nyo!!”. Pinatukan din ako nito.
“Mauna na ako”. Sabay kuha naman ng gamit nya si Jesign.
Hala ano nangyari dun?
Nagkatinginan naman kami ni Alex at nagkatangunan.
“Ikaw kasi nilait mo syota nya”. Panutya ko sa kanya.
“Loko-loko!”sagot naman nito.
Nagtawanan na lang kami.....si Jesign talaga...oh
Nasa labas na ako ng gate. Himala nauna akong dumating kaysa kay Panget ahh...saan na kaya yun.
“Lukrisyo!”. May tumatawag sa akin.
“Panget!”tawag ko naman kay Panget palabas na ito ng gate.
“Anni,disturbo ata kami sa inyo”.sabi naman ni Ludy.
“Tange!!hindi noh!bakit tayo lang ba sasakay ng jeepney?”sita ni Hannhel sa kanya.
“Ooh nga,isturbo lang kayo sa amin ni Panget”.dugtong ko naman. Isturbo naman talaga sila eh.
“Ayy,ewan!hali na kayo!”singit naman ng iritang Hannah.
Kasalukuyang nasa sasakyan kami. Siyempre magkatabi kami ng Anni ko.
BINABASA MO ANG
Si Panget at Si Iyakin
Roman pour Adolescentsfrom bestfriend to best enemy...... Yan kwento nina Hannhel at Luke. Ang magkababata na laging nagbabangayan. Hannhel hates him alot and Luke loves her alot. makakapaghintay pa kaya si Luke sa pamamatigas ng childhood sweetheart nito? o susuko din s...