REMembering the past

141 1 0
                                    

------------------------Hannhel Moment -------------------------------------------------------

“Panget, gising na”ginising ako ni Luke.

Nakatulog ata ako sa biyahe.

Haaayyyyyy..nakadating na pala kami. Bumaba na kami ng van at nagpaalam sa mga kaibigan namin.

Tinatawag namin si Inay para buksan kami hindi ata naririnig. Teka,may bisita ata pati yung parents ni Luke andun din ah.  Ano kaya meron?

“pasok na tayo di ata tayo narinig” yaya ni Luke. Nabuksan na niya pala ang gate.

Pagpasok namin ni Luke magkaholding-hands naman kami. Sweet diba?

“Hi! Everyone!”bati ni Luke.

Lumingon ang lahat sa amin....

Natigilan kami ni Luke nung may napansin kaming familiar na mukha.

Flashback.....

Dec.23,2008.

Bukas Christmas eve na... ano kaya ibibili kong regalo para kay Terrence at Luke. Makadaan nga muna ng mall.

Pumasok ako sa isang customize shop...patingin-tingin ng pwedeng maregalo sa dalawang yun. Sa wakas may nabili na din ako. Nagpagawa ako ng customize shirt yung makasam kaming 3. Siyempre may especial gift ako para kay Terrence, kasi mahal ko siya at kami na nga.  Matapos kong bayaran lumabas na ako.

“Magugustuhan kaya ito ni Terrence?”tanong ko sa aking sarili.

Ooh crush at mahal ko na si Terrence at ganun din siya sa akin. Pinsan siya ni Luke, half Pinoy half Krung-krung. Galing Korea siya umuwi sila dito sa Pilipinas nung 7 years old pa lang siya. Naging kapitbahay din namin siya.Simula noon naging playmates na siya namin ni Luke. Dyan lang bahay nila sa tapat ng bahay namin. Mas mabait yun kaysa sa pinsan nyang walang magawa kundi asarin ako. Si Terrence ang knight and shining armor ko. Kaya nga naging kami at alam kong hinding-hindi nya ako sasaktan. Hindi tulad ng pinsan nyang nakakapikon at iyakin. Binasted lang ng babae umiyak agad parang babae lang iiyak-iyak.

Hayy,buhay parang life nga naman.

Nagpasya na lang akong umuwi.

“Anni”may tumatawag ata sa akin.

Paglingon ko si Terrence baby ko pala...”Oh, ikaw pala Terrence” bati ko sa kanya.

“Ano yang dala mo?”tanong nito habang tinititigan ang bitbit ko.

“Mga regalo lang” sagot ko.

Tumango lang ito sa akin.....

“Anni,may good news ako sayo”.sigla nitong sinabi.

Ako naman excited na malaman. Niyaya nya ako maupo sa gazebo. Yayain na kaya nya ako magpakasal? Heheheheh,exage naman ata yun bata pa kami.

“Uuwi na kami ng Korea for good” masiglang sabi nito sabay hawak sa kamay ko.

“Ha? Talaga? Buti naman”hindi ko alam kong ano isasagot ko sa sinabi nya.

Iiwan na nya ako? Paano na ako? Dumudurugo ang puso ko. Ouch..ouch...

Hindi..

Hindi..

“Anni okay ka lang?” nagtatakang tanong nito.

“Terrence, paano na tayo?”pag-iintro ko.

Sana maganda naman ang sagot nito....kumakabog na ang heart ko.

Si Panget at Si IyakinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon