-----------------------------------------------------<33
"Dito, naman ang magiging kwarto mo, hija." Ani ng lalaking may-ari ng boarding house na tutuluyan ko.
Buti na talaga at nakahanap na ako ng malapit sa university na papasukan ko. Sa Lunes na ang pasukan at ayos lang na lumipat na ako agad para makapag-ayos na rin ako dito.
"Salamat po, Mang Robert."
Sinuklian niya ng ngiti ang aking pasasalamat at marahan pang pinisil ang aking balikat. Nagpaalam na si Mang Robert na magluluto na raw muna ng meryenda para sa lahat.
Nang makaalis siya ay saka ko lang maiging tignan yung kwarto ko. Sakto lang yung kwarto para sa akin. Medyo malaki para sa isang tao pero medyo masikip na para sa dalawa. May cabinet na pwedeng lagyan ng mga damit at may simpleng lamesa rin na pwedeng gawing study table.
Dalawang floor ang boarding house ni Mang Robert. Sa first floor ang kusina, dining room, maliit na sala, pati yung kwarto ng mga lalaking kasama namin habang itong second floor naman ay para sa mga babae tapos meron ding sala dito pero mas malaki kumpara sa nasa baba. May tatlong banyo dito sa amin tapos tatlong banyo din sa mga boys.
Speaking of, may mga kasamahan din akong nakilala ko lang kanina. Mas marami lang ang lalaki. Pito yung nakilala ko tapos kaming mga babae naman ay lima, kasama na ako.
Sinamantala ko ang oras ko para maiayos ang mga gamit na dala ko. Sa dami nito ay parang hanggang bukas ako mag-aayos. May narinig akong katok kaya pinagbuksan ko ng pinto kung sino man yung kumakatok.
"Hi, Jelay! Gusto mo tulungan ka namin?" Tanong ni Anne, siya yung kumakatok. I'm not sure if I should really call her 'Anne' kasi mas matanda naman siya sa amin. But she insists to be called without Ate so keri na siguro. Kasama niya yung dalawa pa sa aming mga kasamahan na sina Ela at Rhea. Yung isang nakilala ko kanina na si Hera ay wala.
Pinatuloy ko sila at nagkukwentuhan pa kami habang nag-aayos ng gamit. Mabilis kaming natapos kaya naman nagsiupo muna kami sa aking kama habang si Anne ay sa sahig nakaupo. Buti na lang tumulong sila.
Nagulat ako nang walang hiya-hiyang hinipo ni Ela ang dibdib ko. "Woah! You're huge.." Sabi pa niya.
Hindi ko naman ineexpect na ganon ang gagawin niya kaya nagulat talaga ako. Hindi pala ako nag-iisa dito kung ganon.
Mukhang napansin ni Ela yung gulat ko sa ginawa niya kaya nagsorry siya agad. "Ay, sorry! Sorry. Nasanay lang ako. Sorry talaga."
Kinabahan naman ako kasi baka mamaya ay akalain niyang nagalit ako dahil sa ginawa niya. "Okay lang. Nagulat lang ako." Sabi ko sa kanya
Mukhang nahiya naman siya kahit sinabi kong okay lang kaya umayo na lang siya ng upo sa tabi ko.
"Pasensya ka na kay Ela, ah. Ganyan lang talaga siya. Paano ba naman kasi, sanay na kami dito. Hindi na bago samin yung mga ganyang bagay." Pag-eexplain ni Anne sa akin tungkol sa inasta ni Ela.
"Pag inexpose ka na talaga ni direk sa mga mature roles, ganyan na kalalabasan mo." Rhea tried to joke out. Parang inaasar niya si Ela na nahihiya pa rin sa akin ngayon.
"Girls, ayos lang. Hindi na rin naman bago sa akin yung mga ganyang bagay.." Pag-amin ko. It kinda feels nice knowing that we share the same view about openness in this topic. Sa panahon kasi ngayon, dapat hindi natin ginagawang malaking bagay yung ganitong topic. Kaya lang naman to binibigyan ng malisya ng karamihan kasi hindi tayo sanay sa ganitong usapin.
"So, you mean to say, you have experiences already?" Curious na tanong ni Anne.
"Yeah... a lot... actually."

BINABASA MO ANG
Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)
RomanceAngela, an incoming 2nd year BS Architecture student transferred to a university in Baguio. In her new journey, she looked for a place where she could stay. Luckily, she found one. Little did she know that this boarding house that she found would ma...