-----------------------------------------------------<33
After weeks ay nakarecover na rin ako about sa nangyari. Nagsuggest din yung guidance councilor namin na kumausap ako ng therapist, at maganda naman ang naging kinalabasan ng sessions ko. Nakadalawang punta na rin ako eh. Sa sobrang strong willed person ko ay para raw walang nangyari sa akin.
Sabi ng mga pulis ay mas mapapabilis ang kaso tungkol kay Elias dahil na rin sa lakas ng ebidensya namin. Nagsalita na rin yung iba pa niyang nabiktima kaya patong-patong ang isasampa sa kanya. Ngayon ko lang talaga marerealize na napakarami na niyang nabiktima. Nakakalungkot na ngayon lang napakulong yung hayop na yun. Nakakagalit!
Ang university naman ay mas naging mahigpit sa mga faculty. Bawat isang professor ay talagang sumasailalim sa evaluation para ma-ensure na wala ng susunod na case. Nagkaroon din kami ng safe space para makapagreport pa ang ibang victim ng harassment inside the campus.
"Salamat, Jelay. Dahil sayo, makukulong na rin si Sir." Pasalamat sa akin nung isang nabiktima rin ni Elias.
"Hindi mo dapat tinatawag na Sir yon. Hindi niya deserved irespeto kung ganon naman siya." Sabi ko.
Nagulat ako nang yakapin niya ako. Narinig ko rin yung munting hikbi niya. Ang alam ko ay sophomore din siya. Siya yung nauna bago ako, last sem lang. Imagine, first year ka pa lang pero ganito ang bungad ng college sayo. Nakakagalit talaga yung professor na yun!
"Oh, sige na. Baka malate na tayong parehas. Aral mabuti and tuloy ang buhay. And kung gusto mo irerecommend ko rin yung therapist ko kung gusto mo."
Nagpasalamat ulit siya sa akin bago nagpaalam na aalis na. Ako naman ay dumiretso na sa building namin. May presentation pa pala kami sa major namin. Hayyy buhay, parang life.
Lumipas pa ang isang linggo nang parang bula. Parang pumikit lang ako tapos naka-isang linggo na ulit.
Katatapos lang ng klase namin nang makatanggap ako ng message kay John na hihintayin niya raw ako sa may food stall malapit sa building namin.
Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko saka nagpaalam sa mga kaibigan ko para makaalis na. Pinuntahan ko si John at nakita ko siyang nagcecellphone habang nakaupo.
"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko pagkaupo sa harap niya.
"Hindi naman. Late ding natapos klase namin eh."
Nilabas niya sa bag niya yung tatlong pack ng paborito kong brownies.
"May nagbebenta kanina. Binili ko para sayo." Sabi niya sa akin. Mayroon siyang malaking ngiti na para bang proud na proud siya sa ginawa niya.
"Ay hala! Thank you! Oh my god!"
Yinakap ko pa yung binigay niya. Alam niyang paborito ko yon dahil tuwing may free time ako ay bumibili talaga ako ng maraming packs para may stock din ako sa boarding house.
"Bibili ka ba ng meryenda?" Tanong niya.
"Pag-uwi na lang. Doon na lang ako kakain."
Tumambay na lang muna tuloy kami roon. Casual kaming nagkwentuhan tungkol sa naging araw namin. Para kaming magjowa na nagkakamustahan, nakakaasar! Parang kinikilig ako!
Nang mapansin papadilim na ay tumayo na siya at nagyayang umuwi. Nakaakbay lang siya sa aking habang naglalakad kami. Nakakawit naman ang braso ko sa bewang niya.
May nakasalubong kaming blockmate niya kaya binati niya muna. "Ingat kayo, pre." Sabi pa niya bago tuluyang nagpaalam.
"Buti na lang may ganap dito. Wala na tayong pasok. Makakapagpahinga na rin tayo kahit saglit." Sabi niya sa akin.

BINABASA MO ANG
Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)
RomansaAngela, an incoming 2nd year BS Architecture student transferred to a university in Baguio. In her new journey, she looked for a place where she could stay. Luckily, she found one. Little did she know that this boarding house that she found would ma...