NTOBH 14

765 9 1
                                    

-----------------------------------------------------<33


Nang magising ako ay medyo maayos na ang pakiramdam ko. Buti na lang. Nakita ko si John na natutulog habang nakadukdok sa lamesa ko. Nakakaawa siyang tignan kaya ginising ko na para palipatin sa kwarto niya.

"John... John..."

Kinalabit ko pa siya para magising.

"Angela?"

Noong una ay tinignan niya lang ako kaya nagulat ako nang yumakap siya sa akin.

"Okay ka na?" Tanong niya habang nakasubsob ang mukha sa may tyan ko.

"Oo. Ayos na ako. Lumipat ka na sa kwarto mo para makapagpahinga ka nang maayos." Sabi ko.

"Ayoko doon. Wala ka naman doon eh. Hindi kita kasama doon."

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa sinabi niya. "Huwag ka ngang makulit. Bawal na 'to. Hindi ka na dapat tayo ganito."

"Huh? Anong bawal?" Nakatingin na siya sa akin habang naghihintay ng sagot.

"Hindi ba may girlfriend ka na?" Nag-aalangan na sabi ko.

"Ha?! Girlfriend?! Sinong girlfriend ko?! Ikaw?" Gulat na gulat na sabi niya.

"Ahm...si Maxine? Girlfriend mo siya diba?" Hindi makatingin sa kanya na sagot ko.

Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at sumandal sa lamesa ko. Nakaawang pa ang bibig niya, tila ba ay napagtugma na niya 'yung mga nangyayari. "Kaya mo ako nilalayuan? Kasi akala mo girlfriend ko si Max?"

"Girlfriend mo naman talaga siya eh." Mahinang sagot ko.

Parang gusto ko siyang sapakin nang tumawa siya. Bakit tumatawa siya? Katawa-tawa ba 'yon ha? Nasaktan kaya ako.

"Hindi ko girlfriend si Max. Blockmate lang siya. Pinsan siya ng tropa ko."

"Eh bakit lagi kayong magkasama? Ang saya-saya mo pa pagkasama mo siya." Para akong batang nagtatampo. Napangisi na naman siya bago sumagot. Nagugustuhan niya pa niya ata 'yung nangyayari ah.

"Masiyahin naman kasi si Max kaya matatawa ka rin kapag nakasama mo siya. Saka hindi lang naman ako 'yung laging kasama niya. Baka naaabutan mo lang na ako. Nagsasalitan kasi kaming magkakaibigan na samahan siya."

Nacurious ako bigla kung bakit kaya nagtanong pa ako.

"Yung ex ni Max, abusive. Actually tumakas lang siya para makawala doon. Student din kasi 'yon sa university kaya wala siyang magawa para layuan. Binabakuran namin siya para hindi makalapit sa kanya 'yung ex niya. Baka naaabutan mo lang talaga na ako 'yung kasama niya." Pagkukwento niya. Oh! Is that so?

"Eh bakit nung araw na pinakilala mo si Maxine? Pwede naman akong sumama sa paghihintay sa sundo nung babaeng 'yon pero pinaalis mo ako agad." Puno ng tampo na sabi ko. Parang ang pinalabas kasi niya noon ay mas gusto na niyang kasama si Max kesa sa akin. Nakakainis talaga. Parang gusto kong mang-away kapag naaalala ko.

"Sumusunod sa amin noon 'yung ex ni Max noon. Ayokong makita ka ni Karlo, 'yung ex niya. May obsession siya sa mga magaganda at sexy na babae. Ayoko nang mapahamak ka ulit. Mamamatay na ako sa takot, Angela." Sabi niya.

So, assumera nga lang talaga ako? Putangina! Nilayuan ko siya para sa wala! Ang tanga ko pala. Pinahirapan ko lang 'yung sarili ko. Pinahirapan ko lang siya. Tangina! Ang OA ko! Nilagnat pa tuloy.

Napatingin ako sa kanya nang tunayo siya. Hinawakan niya ang pisngi ko at marahang hinaplos.

"Hindi ko girlfriend si Maxine. Hindi ko siya gusto. May... may iba akong gusto. Ikaw 'yung gusto ko."

Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon