NTOBH 25

292 3 2
                                    

-----------------------------------------------------<33


"Tita, luto na po 'tong pasta."

December 24 na ngayon at naghahanda kami ng mga pagkain para sa Noche Buena. Tumutulong ako sa pagluluto kaya abala kami ni Tita dito sa kusina.

Simula nung nalaman niya na marunong akong magluto ay 'yun na ang parang naging bonding moment namin sa buong stay ko rito. Nagtutulungan kami sa pagluluto ng tanghalian saka hapunan. Minsan nga ay sa pamamalengke na rin. Tuwang-tuwa naman si John na madali kaming naging close ng mama niya at ganun din ako.

Narinig namin ang mga nagtatalo sa may sala kaya sumilip kami.

"Daddy, ang pangit dyan. Dito na lang sa part na 'to."

"John, mas pangit dyan."

"Ay, kaingay niyo. Sa garden na lang kasi mag-ayos. Pwede din namang maghain doon kasi may mga lamesa." Sabi naman ng kapatid ni John.

Silang tatlo kasi ang nakatoka sa decorations. Balak nilang maglagay ng foil curtains saka 'yung balloons na 'Merry Christmas'. Magpipicture din daw kasi.

"Oo nga 'no. Sa garden na lang." Sabi naman ni John.

"Tignan niyo. Nagtalo pa kayo. Kung wala ako dito edi hindi na kayo nakapag-ayos." Sagot ni Jared.

"Aba, aba. Wala kang pamasko sa akin mamaya. Naglabas pa man din ako ng pera." Sabi tuloy ni Tito.

"Ako ay? Dapat meron din akong pamasko?" Grabe si John. Ang tanda niya na eh. Ang dami dami niya ngang ipon.

Napailing na lang kami ni Tita at binalikan ang aming niluluto.

"Jelay, buti pinayagan ka ng parents mo na dito mag-Pasko."

"Ahh opo. Sa kanila naman po ako sa New Year saka pinagpaalam po ako ni John."

"Natutuwa talaga ako sa inyo ng anak ko. Sana kayo ang magkatuluyan." Tuwang-tuwang tugon ni Tita. Para ngang kinikilig a siya.

Haaaaaay. Sana nga, Tita. Hindi ko na ata kayang magmahal ng iba. Masyado po akong binaliw ng anak niyo.

Ewan ko ba kung bakit ganun. Si John lang 'yung gusto kong makasama gawin 'yung mga plano ko sa future. Siya 'yung gusto kong kasama ko sa mga 'yon.

Gabi na nang maligo ako dahil mag-iihaw na lang daw naman ng chicken barbecue at sila Tito na raw ang gagawa nun.

Buti na lang at may maroon ako na damit. Color red daw kasi ang color code nila this year.

Dalawang oras at kalahati na lang ay magpa-Pasko na. Nandito ako sa may gazebo nila dahil kausap ko sila Mama.

"Anong mga handa niyo?" Tanong ko kay Mama.

"Nag-order na lang kami. May Pancit Malabon, shanghai, barbecue, buttered chicken, at buko pandan. Salad lang 'yung ginawa ko. Baka magwine-wine na lang kami ni Papa mo mamaya at manuod ng movie."

Napalingon ako dahil may nagsisigawan sa loob.

"Okay, okay. Tawag po ulit ako mamaya. May ichecheck lang sa loob."

"Okay. Bye, anak."

"Bye, Mama. Bye, Papa."

Nagmadali akong bumalik sa loob nang maibaba ang tawag. Naabutan ko si John at 'yung kapatid niya na nakayakap sa isang babae. Napasinghap ako nang magtama ang aming mga tingin.

"Gagi ka, Kuya! Sino 'yung babae? Alangan namang kabit ni Papa 'yan eh wala naman siyang ganon. Wala ding jowa 'tong si Jared."

Agad namang lumingon sa direksyon ko si John. Lumayo na rin ang magkapatid sa babae kaya napagtanto ko na buntis siya dahil may baby bump na siya pero hindi pa naman malaki.

Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon