NTOBH 24

289 0 0
                                    

-----------------------------------------------------<33


Kanina pa kami nakababa ng van na pinagsakyan namin pero hindi pa rin kami makaalis. Kinakabahan kasi ako. Kanina ko pa siya pinipigilan.

Paano kung hindi ako magustuhan ng parents niya? Paano kung alukin ako ng sampung milyon para layuan 'yung anak nila? Anong gagawin ko? Paano kung naka-arranged marriage pala si John? Ano na lang ang mangyayari sa amin?

"Huy, relax. Hindi sila masungit."

"Kinakabahan talaga ako. Naiihi ako na ewan. Hindi ko--" naputol ang sasabihin ko at mas nadagdagan pa ang kaba ko nang magsalita siya.

"Nandito na sila." Masaya niyang sabi.

Hala! Teka, sandali naman! Nasan na 'yung polbo ko? Ang haggard ko na ata tignan. Wait ,suklay! Nasaan na ba?

Nagmadali ako sa pag-aayos ng sarili. Narinig ko pa ang munting tawa ni John na nanunuod sa akin. Nagawa pa akong tawanan!

"Huwag mo akong tawanan. Kinakabahan ako ngayon."

"Anak ko!" Napalingon kami sa isang babae.

"Mommy! Mommy! Namiss kita!" Pagsalubong ni John.

Natigilan naman ako nang makita 'yung babaeng niyakap niya. Hala, siya 'yung nanay? Parang kapatid niya lang. Ang bata ng itsura! May dalawang gwapong lalaki na kasama 'yung mama ni John. Siguro 'yung isa eh tatay niya. Sure ako na kapatid 'yung isa kasi ang bagets tignan, naglalaro pa ata sa phone.

"Mommy, ipapakilala kita kay Jelay. Halika."

Napatayo ako nang tuwid. Anong oras na ba? Good morning ba o good afternoon?

"Good mo-- after--"

Napalingon ako kay John na bumubulong ng 'afternoon'. Buti na lang.

"Good afternoon po, Mrs. Borromeo. Angela Corpuz po. Pero Jelay na lang po itawag niyo sa akin." Nagmano pa ako pagkatapos.

"Hi, hija. I'm Krystina. Ang ganda-ganda mo naman. Kaya pala baliw na baliw ang anak ko sayo."

Ehe. Tita, maliit na bagay. Huwag nating palakihin. Kayo naman po eh!

"Gwapo rin naman po ang anak niyo, Ma'am." Sagot ko na lang.

"Pinapatanda mo naman ako sa Ma'am eh. Tita Krys na lang. O kaya Mommy na rin." Nakangiting sabi ng Mama ni John. Tita ah. Gusto mo na ba akong maging daughter-in-law? Matagal-tagal pa po. Pero dadating tayo doon.

"Jelay, this is my father, Andrius. And my brother, Jared." Nagmano ako sa papa niya at kumaway ako pabalik sa kapatid niya kasi kumaway din ito.

"Nice to finally meet you, hija." Anang tatay ni John.

"Likewise, Sir."

"Oh please. Tito Andi is enough."

"Oh.. okay po, Tito." Hindi kasi ako sigurado kung Tito at Tita ang itatawag ko kaya Sir at Ma'am ang sinabi ko. Hehehe.

"Tara na. Mainit dito. Sa bahay na tayo. Doon na natin ituloy ang pag-uusap." Yaya ni Tita.

Binuhat ni John ang bagahe ko. 'Yung papa naman niya ang nagbuhat ng iba. Tatlo kaming nasa back seat. Ako, si John sa gitna, tapos 'yung kapatid niya.

"Kumusta ang byahe niyo? Hindi ba kayo nahirapan?" Tanong ng Papa ni John. Medyo napaigtad pa ako dahil sa boses ng Papa niya. Buo kasi iyon at malalim.

"Okay lang, Daddy. Hindi naman." Simpleng sagot ng katabi ko.

"Anak, dalhin mo na lang kaya 'yung isang kotse kapag umuwi kayo. Para hindi kayo mahirapan ni Angela. Tipid pa sa pamasahe." Alok ng nanay ni John.

Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon