NTOBH 19

440 6 0
                                    

-----------------------------------------------------<33


"Make sure steady lang ang katawan mo and relax. It helps." Turo sa akin ni John.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nahulog sa tubig dahil lagi akong naa-out of balance. Nanginginig kasi ako kaya hindi ko mairelax ang mga binti ko. Hindi ko naman ineexpect na ganito kahirap mag-surfing!

Huminga ako nang malalim habang hinihintay ang susunod na paghampas ng alon.

Ginawa ko lahat ng tinuro ni John. Kailangang matuto ako ngayon para dagdag sa skills na kaya ko. Saka check sa bucket list ko bago ako mag-30 years old.

Para akong hinalikan ng crush ko nang mahulog akong muli sa tubig. Hindi dahil nagfail na naman ako. Kundi dahil sa pagkatulala dahil nagawa ko. Nagawa ko... Hindi ako nalalag dahil hindi ko nagawa... Nalaglag ako dahil sa gulat... Hindi ko 'yun ineexpect.

Umangat ako at isinampa ang kalahati ng katawan ko sa ginagamit na surf board.

"Nagawa mo!" Sabi ni John na nasa tabi ko na.

"Nagawa ko! Shet! Huy, ang galing mo nagturo. Imagine nagawa ko agad. Shet! Nakakaamaze!"

"I told you kaya mo."

Ginugol namin ang buong umaga para sa surfing. Nang magtanghali ay nagdesisyon kaming magbanlaw saglit dahil may mga nakakapit na buhangin sa amin.

Bumalik kami sa villa namin para mag-ayos. Buti na lang nagdala ako ng rashguard kundi paniguradong ang itim ko na.

"Napagod ka?" Tanong niya habang kumukuha ng damit niya. Nakaupo kasi ako dahil napagod din talaga ako.

"Yeah. Sobrang excited ko kanina, ngayon ko lang tuloy naramdaman 'yung pagod."

"Try natin 'yung spa nila mamaya para makapagrelax din tayo. Gusto mo?"

"Spa? Ako, okay lang sakin." Sagot ko.

"Sige. Mauna na ako sa banyo. Magpahinga ka na muna."

Lumapit muna siya para halikan ako sa labi bago nagtungo sa banyo para magbanlaw. Hindi na ako sumunod para sumabay dahil napagod talaga ako. Ni hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako habang nagpapahinga.

"Jelay? Jelay?"

May munting ungol na nakawala sa aking bibig nang marinig ko ang gumigising sa akin.

"Gising ka na muna. Hindi ka pa kumakain. You need to eat, baby."

Pinilit kong buksan ang aking mga mata. Nakita ko si John na nakaupo sa kama. Nakapatong ang kamay niya sa bewang ko.

"Anong oras na?"

"3 na po. Inaantok ka pa ba?"

Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko bago sumagot ng hindi.

"Pero medyo masakit katawan ko."

"Kain ka na. Then, freshen up afterwards. Punta tayo dun sa spa nila." Alok niya.

Napatingin ako dun sa lamesa kung saan nakahanda ang pagkain. May dalawang plato pa roon. Hindi pa ba siya kumakain?

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya habang umuupo sa harap ng hapag.

"Snacks. Kanina. I wanted to join you kaya hindi muna ako kumain. Hihintayin sana kitang magising kaso sobrang late na. Hindi magandang nalilipasan ng gutom."

Dalawang putahe ang nakahain. Meron din prutas na pwedeng naming panghimagas. Matapos kumain ay inayos ko muna ang mga gamit namin para kahit paano ay makapaglakad-lakad din kahit dito lang sa loob.

Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon