NTOBH 22

347 5 0
                                    

-----------------------------------------------------<33


Limang oras na lang ang meron ako at passing na namin pero nandito ako ngayon nagra-rush. Bakit kasi napakaclumsy ko ngayong araw? Naiinis ako na naiiyak na ewan ko na!

Dala-dala ko 'yung plate ko na dapat ay ipapass ko ngayon kaso dahil nga ang malas ko ngayong araw ay natapunan ko ng kape at 'yan kailangan kong mag-ulit dahil sobrang halata nung dumi. Buti sana kasi kung maliit lang at sa gilid, 'yung tipong hindi talaga halata kaso hindi. Kumalat 'yung kape! Hindi ko naman mareremedyuhan. Kailangan talagang ulitin dahil kung ipipilit kong ipasa 'to ay mababa lang ang makukuha ko.

'Yung plate ko na pinaghirapan ko ng limang araw eh uulitin ko lang sa loob ng 5 and a half hours?! Hours?! Nagpapanic na ako. No, no, no! Kalma Jelay. Utang na labas kumalma ka. Kaya pa 'to. Kailangan ko lang i-gaslight ang sarili ko na kaya ko pa 'to.

"Huy, mukhang iiyak ka na dyan." Hindi ko pinansin ang pamilyar na boses na 'yon

"Huwag kang magulo. Busy ako." Sagot ko nang hindi siya tinitignan.

"Anong oras mo ba 'yan ipapass? Tulungan na kita."

Dahil doon ay hinarap ko ang lalaki at nakita si John. Bakit nandito siya? Wala ba 'tong klase?

"Anong oras ipapass 'yan?"

"Mamayang hapon. Alas tres ang klase ko."

"Tara sa may park. Tahimik doon. Tutulungan na kita."

"May klase ka diba? Dapat nasa klase ka."

"Wala kaming prof. Hindi daw makakapasok." Simpleng sagot niya habang isa-isang kinukuha ang mga gamit ko.

Nauna na siyang maglakad kaya wala na akong choice kundi sumunod. Napadaan kami sa building nila at nakita ang kapwa niya engineering students. Akala ko nagsisinungaling siya pero mukha namang wala talaga silang klase kasi paalis na rin 'yung mga kablock niya.

Tahimik nga dito sa students' park na pinuntahan namin. May iilan lang na estudyante na nag-aaral. Doon kami pwumesto ni John sa may sulok para nasa ilalim ng puno 'yung mauupuan namin saka medyo tago.

May kaunti ng sketch ang ginagawa ko kaya sinundan niya na 'yun habang ginagawa ko 'yung kalahati.

"Sorry. Naistorbo ba kita?" Tanong ko habang patuloy sa paggawa.

"Anong istorbo? Kelan ka naging istorbo sa akin? Mas gusto ko nga na tinutulungan ka." Natatawa niyang sagot kaya napanguso ako.

"Saka baka may bayad 'tong pagtulong ko. Baka pwedeng mamayang gabi." Bulong niya na rinig ko naman.

"Ano 'yon??"

"Wala, wala. Kako mag-focus ka na dyan."

Alam niya kung gaano kahigpit sa measurements ang professors namin kaya siniguro niya na tama lahat ng binabakat niya. Gumagawa rin naman sila ng ganito kaya alam niya din 'yon. Buti na lang. Ayokong bumagsak eh.

Habang tinatapos niya 'yung sa may inisketch ko ay nagsimula na akong magkulay.

"Shet! Quarter to one na. Huuuu. Kalma. Kaya 'yan." Pagpupush ko sa sarili ko. Kailangan ko lang kumalma. Matatapos ko 'to.

Buti na lang ay dala ko 'yung pens ko. Nagsimula na akong magkulay. Ingat na ingat pa ako kasi may iba na maliit lang ang kukulayan eh ang taba kasi nung pens na dala ko. Nasa boarding house pa man din 'yung iba.

"2 na, Jelay." Pagpapaalala ni John. Sakto dahil patapos na rin ako.

Finalize ko na rin. Ahhhh. Buti na lang talaga. Hindi ko talaga afford bumagsak sa subject na 'to.

Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon