NTOBH 1

1.4K 13 3
                                    

Author's Note:

Warning! This story contains foul words like cusses. This story also contains mature scenes. If you are below legal age, refrain from reading.

Do not report. I have edited this version. I have removed all the parts that may cause or be a reason for a reader to report this. This is a fictional story. If in any way I have offended you for whatever is written in this story, I deeply apologize for it. You can message me directly to resolve the issue.

PLEASE! DO NOT REPORT. Sayang ang effort ng writer pati na rin nung mga nagbabasa kung irereport lang. Kung ayaw niyo, huwag niyo na lang basahin. Thank you!

-----------------------------------------------------<33


"Angela, kelan ka lilipat sa boarding house na nahanap mo? Malapit na ang pasukan niyo ah?" Tanong ng aking butihing ina.

"Luluwas na po ako sa isang araw, Mama. Nasabihan na rin po ako nung may-ari na pwede nang lumipat eh."

"Kaya mo na bang mag-isa don? Malayo ako sa inyo." tanong niya ulit. Si Mama talaga, lagi na lang worried. Parang di niya ako anak at hindi niya ako kilala. Eh nagmana ako sa kanya. Strong, independent woman yata to.

"Nakasanayan na po. Oks na ako, Mama. Yakang-yaka ko yon." Sagot ko at nginitian pa siya. Nagthumbs-up pa ako.

"Oh sige. Ito talagang batang 'to." Iiling-iling pa niyang sabi. "Magtext at tumawag ka lang 'pag may kailangan ka. Kada buwan ay magpapasok ako ng pera sa account mo." Aniya. Hinalikan niya ako sa noo at sinabing lalabas na siya para makapagpahinga na. Galing kasi siyang trabaho at kauuwi lang. Mukhang stressed na stressed na nga ang nanay ko. Kawawa naman siya. Sana umuwi na rin si Papa para maging fresh-looking na ulit lagi si Mama. Hindi naman sa mukha nang losyang ang nanay ko. At her age now, she still looks beautiful and flawless. Talagang mahahalata lang na puro siya work, work, work.

"Ay Mama! Pwede ba ako kila Che-Che mamaya? Magpaparty po sana kami bago ako umalis. You know, mahihiwalay na ako."

Umakto si Mama na nag-iisip kung papayagan niya ako pero alam ko namang 'oo' rin ang sagot niya. "Oh sige. Anong oras ka uuwi? Magpapasundo ka ba sa akin?"

"Ay wag na, Ma. Baka bukas na ako umuwi eh. Doon po kami matutulog sa kanila." Sagot ko.

"May magagawa pa ba ako eh mukhang naplano niyo na. Kayo talaga. Basta hindi uuwing may galos at umiiyak ah." Paalala niya.

My mom is never strict with me. Alam niya rin kasi kung sinong madalas kong kasama. Kilala niya rin yung mga kaibigan ko and she trusts them. Minsan nga ay parang mas may tiwala pa siya kay Cheryleen kaysa sa'kin.

"Maghahanap ka siguro ng makakasex mo kaya bukas ka na uuwi." Bulgar na sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat.

Alam ni Mama kung gaano ako ka-open sa sex pero nagugulat pa rin ako. Nang magsimula kasi akong mag-18 ay nasanay ako sa mga parties at mga lalaki, kahit babae minsan. Minsan tuwing stressed sa acads ay nagpaparty kami at madalas ay sa sex nauuwi.

Tanggap naman ako ng parents ko at okay lang sa kanila basta hindi ako makakakuha ng sakit, at masasaktan. Saka basta raw hindi ako mabubuntis.

Pasado alas nuebe ay umalis na ako sa bahay namin at nagtungo sa bahay nila Chery, best friend ko. Sa bahay kasi nila gaganapin ang party lalo na't isang linggong wala ang parents niya. Okay lang din naman sa parents niya. Mas maganda raw yon na sa bahay na lang nila at hindi na lalayo.

"Hi Angela! Sa wakas nandito ka na." Bati ni Che-Che nang makita ako.

"Kilala mo naman si Mama. Hindi mahirap magsabi sa kanya. Oh ano, marami bang lalaki?"

Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon