NTOBH 30

359 0 0
                                    

-----------------------------------------------------<33


"Huy, 'yung eye shadow ko ata, hindi pantay."

"Ma, paayos nga nito."

"Girl, pahiram ako ng mascarra."

Konti na lang ay mabibingi na ako dahil sa ingay dito sa boarding house namin.

Nagkakagulo kami at ang dami ding tao. Nandito kasi maging mga magulang namin dahil graduation namin ngayon. At dahil nandito lahat ay nakilala namin 'yung mga magulang ng isa't isa. Lahat naman sila mababait. Akala ko nga lang ay masungit 'yung parents ni Clara. Halatang nakakaangat kasi sila sa buhay pero mukha lang pala kasi palakaibigan din 'yung Mama niya tapos 'yung Papa naman niya ay mahilig ding magpatawa. Kumare at kumpare na nga silang lahat dito kaya kaming mga anak eh naiiling na lang minsan.

Grabe! Graduation na namin ngayon. Parang nung April ay nag-iiyakan lang kami dahil sa final term requirement namin.

Who would have thought na talagang sabay-sabay kaming makakapagtapos? Well, except for Anne na busy magpatulog ng kambal sa kwarto. Pero ang sabi niya sa amin ay babalik siya sa pag-aaral next year since dalawang taon na 'yung kambal nila.

"Sobrang proud ako sayo, anak." Sabi na naman ni Mama. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang nabanggit na proud siya sa akin.

Hindi kalayuan samin ay si John na kasama ang nanay at tatay niya. Tahimik lang silang nagkukwentuhan.

Kanya-kanya kami ng punta sa university nang matapos makapag-ayos lahat. Mamayang gabi naman ay may malaking handaan sa boarding house dahil nga magcecelebrate kaming lahat.

"Corpuz, Estella Angela, Arellano. Bachelor of Science in Architecture. Magna Cum Laude."

Umakyat ako sa stage kasama sila Mama at Papa. Nakipagkamay ako sa mga university officials na nandun bago tinanggap ang diploma ko. Nagbow din ako bago pumunta sa kabilang gilid ng stage. Bago bumaba ay nag-sign 'yung photographer ng 'wait' dahil nga magpipicture siya.

All my efforts were paid off. Ang bongga if nag-Summa Cum Laude pa ako. Talagang hindi ko ineexpect na maaawardan pa ako as Magna Cum Laude. Sobrang saya namin sa boarding house noon. Sabay-sabay kasi kaming nagcheck sa online portal ng university noon if approved 'yung application for graduation namin. Nakita na nung iba 'yung kanila at good thing ay may Latin honors din sila kaya kinabahan ako. Ang tagal pa naman magload ng portal ko noon. Akin na lang 'yung hinihintay namin kaya nakisilip sila sa laptop ko noon.

At bonggang tilian at palakpakan talaga nang makita namin na Magna Cum Laude ako. Sobrang unexpected and unforgettable talaga ng moment na 'yun hindi lang sa akin pero para sa aming lahat.

" 'Cause for a moment, a band of thieves. In ripped up jeans got to rule the world." Pagkanta ko sa graduation song namin. Pagkatapos naman ng graduation song ay school hymn na.

Sa ibang auditorium ginanap ang graduation rites ng iba kong mga kasama kaya hindi ko na sila napanuod.

Nagkaroon kami ng munting picture taking nila Mama bago kami tuluyang umalis. Halos kasabay lang namin sila John kaya sabay-sabay na kaming bumalik sa boarding house.

Sabi ng mga parents namin, since araw daw namin ngayon, huwag na daw kaming mag-alala para sa magiging handaan. Sila na raw ang bahalang mag-asikaso ng mga pagkain at mag-ayos ng mga gagamitin.

Tumambay na lang muna ako sa kwarto ni John. Napagdesisyunan kasi naming manuod na lang muna ng movie since wala naman kaming magawa.

"Nakakapanibago na walang ginagawa." bulong ko bago isubo ang hawak kong chips.

Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon