NTOBH 5

1.4K 10 1
                                    

-----------------------------------------------------<33


Nagising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog dahil sa mga nag-iingay sa labas. Dahil kayakap ko ang katabi ko ay napansin kong kagigising niya lang din.

"Hoy! Hapon na! Hindi pa ba kayo gising!?" Sigaw ng nasa pinto.

Huh? Ano raw? Hapon na? Ganon kami katagal na tulog?

Fuck! Oo nga pala. Inabot na nga pala kami ng umaga.

"Good mor-- afternoon." Bati ko sa katabi. Napangiti siya at pinatong niya ang braso sa ulo niya.

Ramdam ko ang kaunting pananakit ng kalamnan ko nang umupo ako. Minasahe ko tuloy ang mga braso ko.

"Masakit katawan mo?" Nag-aalalang tanong niya.

"Medyo lang. Ang wild kasi ng kasama ko kagabi."

Umupo din siya sa tabi ko at siya na ang nagmasahe sa katawan ko. Maging hita at binti ko ay minasahe niya. Pati na rin ang likuran ko kaya pinadapa niya ako.

"Ahh... dyan... mas diinan mo pa nang konti..."

Nilagyan pa niya ng kaunting pressure kung saan ko sinasabi. Magaling siyang magmasahe ah, in fairness. Magaling siya sa maraming bagay.

Nagpasalamat ako at balak nang tumayo nang dumagan siya sa akin upang halikan ako. Mayroon iyong kaunting kapusukan. Ipinasok pa niya ang dila sa aking bibig. Inabot niya ang dibdib ko na hubad sa ilalim ng hoodie niya.

"Huy. Pahinga ko diba?" Pigil ko sa kanya.

"Wala akong sinabing magse-sex tayo. Good morning kiss ko lang 'to sayo." Pangangatwiran niya kaya ako na rin ang kusang nagtuloy ng natigil na halikan. Nahinto kaming muli nang may kumatok.

"Hoy gising na! Hapon na! Hindi na kayo nakapag-almusal saka tanghalian!" Narinig naming sigaw ni Rhea.

"Pwedeng makahiram muna ako ng sweatpants? Or kahit shorts mo," tanong ko. Nilalamig kasi ako saka baka makita nung ibang lalaki na nakaboxers lang tapos yayain na naman ako. Balak kong magpahinga ngayon. Bentang-benta na si jenjen sa mga lalaki rito.

Hindi siya sumagot pero tumayo pa rin para kumuha. Nag-abot siya ng grey na sweatpants na branded pa. Sinuot ko na iyon agad. Nag-ayos na rin siya dahil baka kung saan pa kami umabot kung hindi pa kami tatayo. Saka parehas na rin kaming nakakaramdam ng gutom.

Tahimik na yung first floor nang lumabas kami. Pagkapasok namin sa kusina ay naabutan namin si Rafe at Mang Robert na nagkakape.

"Oh, kumain na kayong dalawa. For sure, gutom na kayo," ani Mang Robert.

"Totoo, Mang Robert. Sa tagal ba naman ng ginawa nila. Nakakapagod yun, for sure." Pang-aasar pa ni Rafe. Umamba na lang si John na sasapakin ang lalaki pero binatukan niya na lang.

Ininit na ni John yung niluto nilang ulam. Mas nakaramdam pa ako ng gutom nang makitang sinigang na baboy yung ulam namin. Saktong-sakto yun para sa malamig na klima rito.

Nagsandok na ako ng kanin habang si John naman sa ulam. Kumuha na rin ako ng pitsel ng tubig saka mga baso. Nagdasal na muna kami bago nag-umpisang kumain.

Unang subo ko pa lang sa kanin na may sabaw at maliit na hiwa ng karne ay napapikit ako sa sobrang sarap. Ang sarap ng pagkakaluto tapos ang lambot pa nung karne. Saka ang linamnam ng sabaw.

"Sinong nagluto nitong sinigang?," tanong ko sa dalawang nagkakape pa rin.

"Ah, 'yan? Si Anne ang nagluto. Specialty niya yan," sagot ni Mang Robert. Grabe! Ang galing magluto ni Anne! Baka pwede akong magpaluto sa kanya ng iba kong paboritong ulam sa susunod.

Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon