-----------------------------------------------------<33
Balak kong ilihim muna kay John 'yung tungkol sa pagbubuntis ko dahil nag-iipon pa ako ng lakas ng loob bago ko ipaalam. Hindi pa kasi ako handang sabihin at hindi pa rin ako handang makita ang magiging reaksyon niya.
Ngunit hindi iyon madali lalo na at magdadalawang buwan na rin ako at sadyang tutol ata talaga ang tadhana dahil ngayon pa ako sinumpong ng morning sickness kung kelan wala siyang pasok sa trabaho niya at hindi maaga ang alis niya.
"Huy, gagi ka. Anong– teka..."
Inabutan niya ako ng tissue na pamunas pagkatapos kong magmumog.
"May nakain ka bang mali? Pumunta na kaya tayo sa hospital? Magpacheck-up ka na."
Bumalik ako ng higa sa kama. Itinakip ko ang aking braso sa mga mata ko at nagdasal na umayos na ang pakiramdam. Feeling ko kasi ay babaliktad na naman ang sikmura ko. Naaamoy ko pa man din 'yung mga bagong laba na damit na nakasampay pa sa rack. "Huwag na. Gagastos pa tayo. Masama lang ata 'yung tanggap ng tiyan ko sa kinain natin kagabi." Simpleng sagot ko.
"Jelay, nag-aalala ako. Tumatamlay ka na rin sa kumain. Saka madalas kitang naaabutang nahihilo kapag dumadating ako. Baka iba na 'yan."
Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.
"John, okay lang ako. Promise. Mawawala din 'to mamaya." Paninigurado ko sa kanya.
Naramdaman niya siguro na ayokong makipagtalo kaya hinayaan niya na lang din at nagpaalam na gagawa lang ng agahan namin.
Paano ko ba kasi sasabihin na buntis ako? Jusko! Hindi pa naman kasi kasama sa plano namin 'to ngayon. Kapag may pera na kami, oo. Pero wala pa ngayon.
Huminto na kami sa pagtanggap ng allowance galing sa mga magulang namin. Ang tanging tinanggap namin ay 'yung babayaran nila 'yung kalahati ng tuition namin sa review center. Sa trabaho lang namin nanggagaling 'yung mga panggastos namin saka sa naipon namin noong college. Kung pagsasamahin namin 'yung mga naipon namin kulang pa rin 'yon hanggang sa gastos sa ospital kapag nanganak ako.
Nahinto ako sa pag-iisip nang maamoy ko 'yung niluluto niya. Para akong ginanahan nang makaamoy ako ng carbonara. Parang dati, ayoko ng amoy nito. Ngayon ay gustong-gusto ko ng kinakain.
"Kako na magugustuhan mo 'to eh. Parati mo atang gustong kumain ng carbonara. Para kang buntis na naglilihi ah."
Agad niya akong inabutan ng tubig dahil nabulunan ako. Sino bang hindi kung ganun ang sasabihin sayo? Parang kanina lang ay iniisip ko kung paano ang mangyayari samin.
"Paano ba kung mabuntis ako?" Subok ko na i-open 'yung topic. Matagal bago siya nakasagot. Halatang pinag-iisipan niya 'yung sasabihin niya.
"Sa situation natin ngayon, mahihirapan tayo. Mahihirapan ako since ako dapat ang magpoprovide para sa atin pero kakayanin. Kakayanin ko. Kakayanin natin. Kaya Angela, umamin ka na. Buntis ka ba?" Mahinahon nitong tanong na napagulantang sa akin.
Mabilis na nabuhay ang kaba sa loob-loob ko. "P-paanong....?"
"Regular ang period mo pero wala pang bawas 'yung huli nating bili ng napkin. Akala mo rin ba na hindi ko napapansin na nagiging maselan ka sa mga amoy? 'Yung mood swings at cravings mo? Saka 'yung nadadalas mong pagsusuka? Babe, kahit sabihin mong masama lang 'yung nakain mo, hindi kapani-paniwala 'yon. Saka nabuntis na si Jena, magkakaidea ako syempre.." paliwanag niya.
Parang gripo 'yung mga mata ko dahil tuloy-tuloy na pumatak ang mga luha ko. "I'm sorry, John. Sorry. H-hindi ko naman sinasadya na makalimutan 'yung pills ko. Hindi ko s-sinasadya. Pro-"
BINABASA MO ANG
Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)
Storie d'amoreAngela, an incoming 2nd year BS Architecture student transferred to a university in Baguio. In her new journey, she looked for a place where she could stay. Luckily, she found one. Little did she know that this boarding house that she found would ma...