NTOBH 9

672 10 0
                                    

Trigger Warning!! Sexual Harassment.


-----------------------------------------------------<33


Nagsimula na rin ang mga klase namin since nung first week ay puro lang naman orientation, lalo na sa freshmen. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas mula noon. So far so good. Natutuwa ako na maganda talaga dito.

"Yes, mother. Okay lang naman." Sagot ko. Kausap ko kasi ang nanay ko. Tumatawag siya sa akin sa tuwing hindi siya busy. Madalas ay hinihintay ko na lang yung tawag niya dahil kapag ganon, alam kong wala na siyang ginagawa. Ayaw ko kasing maka-istorbo sa trabaho niya. Pero umaga naman ngayon kaya for sure wala siyang pasok o kaya kung meron man ay mamaya pa.

"Mabuti naman. Busy ka na ba? Madami na kayong ginagawa?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Ma, normal na ata yung maraming gawain sa pinasukan kong university."

Hindi lang din kasi ako ang marami nang ginagawa kahit halos kakaumpisa lang ng klase namin. Lahat ata kami dito ay unti-unting nagiging busy.

"Ganern? Oh edi wag mong kakalimutan magrelax din. Mamaya pag nakita kita, mukha ka ng losyang. Magdalawang-isip pa ako kung ikaw ba yung anak ko."

Grabe! Ako, losyang?

"Grabe ka naman sa akin, Mama. Parang hindi mo ako anak. Sumbong kita kay Papa." Tinawanan na lang ng nanay ko yung sinabi ko at nagtanong na lang tungkol sa ibang bagay. "May allowance ka pa ba? Sa Sabado pa ako magpapasok ng pera sa account mo."

Niloud speaker ko na lang ang cellphone ko dahil nag-aayos ako ng gamit. Kakatapos ko lang kasi magbihis.

"Meron pa, Ma. Kasya pa po hanggang next week."

"Edi next week na lang ako magta-transfer. May ginagawa ka ba? Anong oras ang pasok mo ngayon?"

"9:30 pa, Ma. Nag-aayos lang po ako ng mga dadalhin.... Ay, Mama! Bakit hindi ako tinatawagan ni Papa? Hindi niya na siguro ako mahal." Tanong ko. Madalas kasi ay sila Che-che at si Mama lang ang nakakausap ko. Hindi ako tinatawagan ni Papa. Puro tuloy kami chats.

"Oo naman, syempre. Nag-usap nga lang kami kagabi. Chinachat ka naman niya, sabi niya sa akin."

Ang duga! Kapag asawa, call. Kapag anak, chats lang! Grabe na talaga 'to. Parang others lang ako sa pamilya namin!

Nakarinig ako ng katok kaya pinagbuksan ko iyon. Pinatay ko rin ang loud speaker ng phone ko.

"Tapos ka na?" Tanong sa akin ni John. Mas madalas na kaming magkasama ngayon. Kapag papasok, minsan naman ay pag-uuwi. Minsan dito na rin siya natutulog o ako ang tutulog sa kwarto niya. Madalas din kaming kumain sa labas ni John. Hindi ko alam kung panliligaw na ba yon o sadyang assumera lang ako. Pero sobrang bait niya sa akin, napakamaalaga din. Hindi na nga rin ako nakakapag-alone time kasama yung ibang kasama namin dito. Parang may kanya-kanya na silang business, kanya-kanyang partner din. Nakikita ko ba naman paano bakuran ni Rey si Clara, at ni Aaron si Ela. Hindi ko alam kung talagang may sari-sariling binabakuran yung mga lalaki.

"Nag-aayos na lang. Pero malapit na akong matapos. Hintayin mo na lang ako." Sabi ko at pinaupo siya sa kama ko. Kinuha ko ang phone ko at tinapat sa tenga ko.

"Angela? Anak kong maganda? Sino yon?" Tanong ni mama.

"Kasama ko po dito sa boarding house, Ma." Sagot ko.

Tumingin ako kay John. Nabasa ko sa buka ng bibig niya na tinatanong niya kung nanay ko yung kausap ko. Tumango na lang ako.

"Bakit parang lalaki? Boses lalaki eh."

Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon