NTOBH 17

571 5 1
                                    

-----------------------------------------------------<33


"Mag-ingat kayo. Magtext kayo kapag may nangyari saka kung may kailangan kayo." Paalala ni Mang Robert.

Iilan na lang kaming nandito sa boarding house dahil umuwi yung iba. Sila Ela, Anne, Mang Robert, Rafe, Jett, at Aaron na lang ang natira. Bukas pa raw sila uuwi eh.

Ngayon ang alis namin ni John papunta sa La Union. Sa isang beach resort kami nagcheck-in. Nagrent na lang kami ni John ng carpool papunta pero balak namin magcommute na lang pauwi. Wala kasing kasabay kung balikan kaming susunduin.

Napabili pa ako kahapon ng mga swimsuit dahil dadalawa lang ang dala ko. Malay ko bang bigla palang may pa-beach ang kasama ko. Saka nasa Baguio kami. Hindi naman uso ang beach dito.

May huminto na kotse sa may harapan namin. Binuksan ni John ang pintuan niyon para kumpirmahin kung iyon nga ang magiging sasakyan namin. Pinasakay ako ni John pagkatapos niyang makausap ang driver. Napansin kong may dalawa na kaming kasama. Ang alam ko ay may isa pa dapat. Baka susunduin pa lang.

Medyo mahaba din ang magiging byahe namin kaya hindi na naiwasan na makatulog. Nagising na lang ako dahil sa pagtapik ni John sa pisngi ko.

"Malapit na raw."

"Anong oras na?" Tanong ko.

"Mag-10 na. Gusto mo?"

Inalok niya sa akin ang Oreo na mukhang kabubukas lang din dahil marami pa ang alam. Kumuha ako saka kumagat bago naghanap ng tubig sa bag ko.

Pasado 10 ng umaga nang dumating kami sa aming destinasyon. Nagtungo kami sa front desk upang kunin ang susi ng villa namin. Sanay naman na kaming matulog nang magkatabi kaya isang kama na lang ang kinuha namin.

May isang bellboy ang tumulong sa amin magbuhat ng bags kahit na kaya naman. Traveling bags lang naman ang dala namin at kayang buhatin kaso sabi ni Kuya ay tutulungan niya na raw kami.

Kulay puti ang mga villa dito. Gawa naman sa pawid ang mga bubong niyon. Glass door din ang gamit imbis iyong normal na pintuan.

Umalis din ang bellboy pagkarating namin sa harap ng villa namin ni John.

"Thank you, Kuya." Sabay pa naming sabi.

Pagkapasok ay malaking kama na agad ang sasalubong. May painting sa taas niyon na nakadikit sa pader saka tatlong mistulang lamp na nakadikit din sa pader. Mayroon ding 24 inches flat screen TV na nakapatong sa isang katamtamang laki na divider.

Sa gilid ay may parang make-up table. May rattan chair naman sa isa pang sulok. Mayroon ding cabinet na pwede naming paglagyan ng mga gamit. Pagkatapos niyon ay pintuan na para sa banyo, sa sulok din iyon.

Nagpunta ako doon para tignan. Malaki rin pala ang banyo. Hiwalay ang shower sa may toilet. May malaki ring lababo. Kumpleto ang tissue, face towels, at ilan pang toiletries. May mga box din ng body soap saka tatlong sachet ng shampoo.

Pinagmamasdan ko ang loob nang may pilyang ideya pumasok sa isip ko. May malaki kasing glass window doon. Sa labas naman ay may mga kawayan na tumatakip sa salamin na iyon para hindi makita ang mga gumagamit.

Parang ang sarap makipagsex habang nakatuwad doon. Yung tipong nakadikit ang pisngi at dibdib ko sa salamin habang ang mga kamay naming basa rin ng pawis dahil sa init ay nakalapat doon. Napapangiti na lang ako dahil sa naiisip ko. Jusko! Sobra-sobra na ata ako sa libog kaya ganito.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni John na nasa likod ko na pala, hindi ko man lang napansin.

Humawak siya sa magkabila kong braso at nanatiling nasa likod ko.

Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon