-----------------------------------------------------<33
Hindi na ako nagulat nang may kumatok sa kwarto ko pagkaraan ng ilang minuto mula nang makapasok ako dito. Pinagbuksan ko ng pinto si Jett at pinapasok siya.
"About... about sa kanina.. narinig niyo ba kami ni Rafe?" Kinakabahan niyang tanong.
"Ahm- medyo. Hindi naman namin sinasadya. Hindi rin kasi namin alam if dapat naming putulin 'yung pag-uusap niyo kanina. Sorry."
"Okay lang. At some point malalaman niyo rin naman talaga dahil magkakasama tayo dito. Pero pwede bang... atin-atin na lang sana muna? Hindi pa kasi ako handang ipaalam sa iba."
"Hindi mo kailangang mag-alala, Jett. Alam mo kung kelan magiging madaldal at hindi. Saka naiintindihan naman kita." Sagot ko.
"Hindi madaling magmahal ng tao na kaparehas mo ng kasarian kasi lagi na lang may ibang titingin sayo na akala mo naman nakapatay ka ng tao. Maraming manghuhusga pero ganun talaga sila eh. Lagi silang may masasabi." I told him.
Lumapit ako sa kanya. "Still, take your time to collect your needed confidence. Diba nga mahal ka ni Rafe, maiintindihan ka niya for sure. Saka hindi ka nag-iisa. Hindi mo rin kailangan mag-worry na baka husgahan kita. Dahil kung tatalikuran ka ng lahat, nandito naman ako. For sure, tanggap din kayo ni John. Nakita ko 'yun sa kanya kanina. Ako nga eh tinanggap niyo ako kahit 'yung tingin ng iba sa akin lalo na dun sa pinanggalingan ko eh malandi saka kaladkaring babae. Saka, ano ka ba? Deserve mong mahalin. Deserve mo ring magmahal. Babae man 'yan o lalaki."
Hindi ako mahilig magpayo kaya nagulat ako nang masabi ko iyon lahat. Alam kong kailangan niya ng ganun ngayon kasi nga mahirap 'yung sitwasyon nila.
Niyakap ko siya pabalik nang yakapin niya ako.
"Thank you, Jelay. Ngayon kitang-kita ko na kung bakit minahal ka ni John."
"Sus. Nambola ka pa. Small thing." Sabi ko.
"Saka sandali pala. Hoy! Hindi ka malandi. Dalhin mo nga ako sa lugar niyo tapos iharap mo sakin 'yang mga nagsasabi nyan sayo, sasapakin natin para matauhan." Sabi niya kaya natawa ako.
Natahimik kami nang may kumatok at kusang bumukas ang pinto. Niluwa niyon si Rafe na kasama si John.
"Come here, you two." Tawag ko sa kanila.
Tumabi si John sa kaliwa ko habang si Rafe naman ay tumabi kay Jett at yumakap.
"Kayong dalawa, magpakatatag kayo ha. If you're still not ready to come out, okay lang 'yun. Take your time. Nandito lang kami. Huwag kayong mag-alala dahil hindi magbabago 'yung tingin ko sa inyo. Kahit awkwardness, wala." I sincerely said.
"Thank you." Sabay nilang sabi.
Nakakatuwa na hindi mabigat ang atmosphere sa pagitan namin.
"Alam niyo ba naa-amaze ako sa ating lahat dito." Pagbabago ko sa topic kaya napatingin silang lahat sa akin na nagtatanong.
"I mean, we are all aware that once, you guys fucked me. I am aware that all of you already fucked the other girls too." Pare-parehas silang napatingin sa kung saan na parang iniiwasan ang tingin ko sa kanila.
"Tapos ngayon ito. Destiny really plays weirdly. I mean, sinong mag-aakala na tayo-tayo lang din 'yung magiging pair sa buhay diba?" Dagdag ko.
"Nandyan si Mang Robert saka si Anne. Sure ako na may something sila. Tapos kami ni John. Tapos kayo Rafe and Jett. Tapos feeling ko may something na rin kina Clara at Rey. Oh diba? Pero hindi tayo nakakaramdam ng awkwardness. Parang leave it all to the past na lang. Kaya naaamaze ako." Sabi ko pa.

BINABASA MO ANG
Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)
DragosteAngela, an incoming 2nd year BS Architecture student transferred to a university in Baguio. In her new journey, she looked for a place where she could stay. Luckily, she found one. Little did she know that this boarding house that she found would ma...