-----------------------------------------------------<33
Halos isang oras lang ang pahinga namin pagkatapos ng aming ginawa. Hayok na hayok naman kasi kaming dalawa. Inabot tuloy ng ilang oras.
Malapit na ring lumubog ang araw. Kumuha na ako ng damit ko para makapaglinis na ng katawan. Magtetake na kami ng pictures sa labas.
"Magshoshower na ako, John." Sabi ko. Nakahiga pa rin kasi siya habang nagsscroll sa feed niya sa Instagram.
"Huh? Okay. I'll join you."
Napaharap ako sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. "Ay iba kutob ko sa join na 'yan. Magtatagal lang tayo."
"Hindi. Promise, shower lang." Sabi niya. Nakataas pa 'yung kamay niya na akala mo ay nanunumpa.
Akala ko talaga makakapagshower lang kami. But we ended up doing a quickie. Simula nang makisabon siya sa katawan ko ay parehas na naming hindi napigilan.
"Shower, huh?" Panunuya ko habang nagbibihis.
"Sorry. Can't help it." Sagot niya na lang habang nag-aayos din.
"Your moan turned me on." Sabi pa niya habang ibinubutones ang suot na pang-ibaba. Naiiling na lang ako at tinuloy ang ginagawa.
Magkaakbay kaming lumabas sa villa namin. May dala kaming maliit na tripod para hindi masyadong mahirap kumuha ng pictures.
Nakasuot ako ng kulay ruby red na pares ng bikini. Nagpatong na rin muna ako ng see through na white long sleeves. Si John naman ay pinaresan ang kulay ng suot ko. Kulay red-orange na linen beach long sleeves na v-neck saka white na maong shorts ang suot niya. Inayos niya rin ang buhok niya kaya mukha talaga siyang artista ngayon.
"May future ka sa showbiz." Sabi ko out of nowhere. "May itsura ka na eh. Siguro umattend ka lang ng mga workshops, gagaling ka na rin sa pag-arte." Dagdag ko pa.
"I don't really want to. Maraming nagtatanong kung bakit ayaw kong mag-artista. Marami kasing bawal kapag pumasok ka sa industriyang 'yon. Maraming makikialam sa buhay mo. Ayoko ng ganoon. Sapat na sakin 'yung maraming nabibighani sa mukha ko."
Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin dahil sa huling sinabi niya. Pabibo din talaga 'tong lalaking 'to minsan eh. Bigla-bigla ba namang magyabang. Well, gwapo naman talaga siya so okay lang din.
"Walang nabibighani sa mukha mo dito. Feeling ka." Pagsisinungaling ko. Syempre konting deny-deny din minsan.
"Wala pa raw eh. Ano tingin mo sayo?" Sagot niya pabalik. Bago pa ako makapagsalita ay niyaya niya na akong magpicture.
"Jelay, maganda 'yung view doon. Picturan kita dali."
Hinila niya ako papunta sa tinutukoy niya. John suddenly became my photographer. Nagpose ako nang nagpose habang kumukuha siya ng pictures.
"Tingala ka nang konti." Sabi niya na sinunod ko agad.
Chineck ko ang mga naging pictures ko at sobra akong natuwa dahil maganda ang kinalabasan ng lahat ng 'yon.
Ako naman ang naging photographer niya. Naghanap kami ng iba pang view para marami kaming makuhang pictures.
Matapos 'yun ay nagdinner din kami doon sa restaurant na nakita namin kanina. Matagal din kaming nag-stay doon dahil nagkwentuhan pa kami.
Nalaman namin na meron din palang mini bar sa lugar na ito. Pero wala kaming balak ni John na mag-inom ngayon.
"Maybe tomorrow. Punta tayo." Sabi niya na sinang-ayunan ko.

BINABASA MO ANG
Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)
RomanceAngela, an incoming 2nd year BS Architecture student transferred to a university in Baguio. In her new journey, she looked for a place where she could stay. Luckily, she found one. Little did she know that this boarding house that she found would ma...