-----------------------------------------------------<33
Nilibot niya 'yung paningin niya sa loob ng restaurant para hanapin 'yung mga kikitain namin. Sa medyo bandang sulok ay may nakita akong babae na nagtaas ng kamay para kunin ang atensyon namin.
"Nandun sila." Sabi ko kay John. Tumingin naman siya kung saan ako nakaturo. Pumulupot ang braso niya sa aking bewang at giniya ako patungo sa mga kikitain namin.
"Hi, Angela! Finally we met! I'm Jessica, by the way. But I would love it if you'll call me Jess." Masiglang bati ni Jess.
"Upo kayo. Dali-dali. Dito ka sa tabi ko." Hinila pa niya ako palayo kay John para tabi kami.
"Kagabi pa kita gusto mameet. John keeps on talking about you kaya. Tapos sabi ko sa kanya kailangan kitang makilala para makita ko kung sino 'yung malas sa inyong dalawa."
Akala ko ay okay siya pero dahil sa sinabi niya ay parang gusto kong tahiin ang bibig niya para hindi na niya matuloy ang sasabihin niya.
"At mukhang malas ka at napunta ka sa kanya... Angela sure ka na ba? Kasi alam mo madaming secret si John saka mga katangahan na nagawa noong bata kami. Gusto mo i-share ko sayo?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Hindi ba ako ineechos ng babaeng 'to?
"Hoy Jess, manahimik ka nga. Sabi ni Jelay swerte raw siya sakin kaya tumigil ka dyan." Saway naman sa kanya ni John.
"Drake, ako na ang nagsasabi sayo. Pare, patigilin mo 'yang madaldal na jowa mo. Hindi ako nananakit ng babae pero nananapak ako ng paepal." Dagdag niya pa. Tinawanan lang siya nung lalaking katabi niya na Drake pala ang pangalan.
"How dare you! Ganyanan tayo dito eh. Angela.. alam mo ba--"
"Nagugutom na 'yung bebe ko kaya manahimik ka na, Jessi. Umorder na tayo." Putol ni John sa dapat na sasabihin ng katabi ko.
"Oh please. Stop calling me Jessi. Nakaka-- Drake ano na? Tatawa ka na lang dyan? Nakakaasar ah. Angela, ipagtanggol mo nga ako dito sa demonyo mong boyfriend."
"Hindi ko pa siya boyfriend." Sabi ko kaya natahimik ang lahat. Eh totoo naman diba? Ayaw pa ni John na sagutin ko siya hangga't walang approval ng tatay ko. It means hindi pa kami official.
"Oh my gosh! Ang kapal pala ng mukha mo, AJ. Hindi ka pa naman pala sinasagot. HAHAHAHA. Angela, pag-isipan mong mabuti if sasagutin mo siya, ah."
Naramdaman ko 'yung mahinang sipa ni John sa katabi ko sa ilalim ng mesa kaya pinandilatan ko siya ng mga mata. Umakto naman siyang hindi alam kung bakit ko siya pinandidilatan. Natigil ako nang may narealize.
"Teka.. bakit AJ?"
"Kasi diba John Ares 'yung name niya? Sabi niya naman ang pangit daw kapag JA kaya binaliktad niya." Si Jess ang sumagot.
Humaba pa ang kwentuhan hanggang sa nagpaalam ang mga lalaki para raw umorder kaya naiwan kami ni Jess dito.
"Hey, I heard kanina na tinawag ka ni John ng 'Jelay'. Is that your nickname or something?"
"Ah oo. Pwede mo rin akong tawagin sa pangalang 'yon."
"Shocks good thing. Para mas close na tayo. And ikaw, huwag mo akong tatawaging Jessi. Bwisit lang talaga ang future bebe mo at tinatawag ako sa pangalang 'yon." Sabi niya pa.
Nang tinanong ko kung bakit, sinabi niya na ayaw niya raw kasi sa pangalan na 'yon. Parang panlalaki kaya Jess na lang daw. Pero parang panglalaki din naman 'yon....?
"Alam mo buti na lang at meron nang kasama si John ngayon. 'Yung kasama na alam mong magtatagal kasi mahal niya." Biglang sabi niya kaya napaharap ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)
RomanceAngela, an incoming 2nd year BS Architecture student transferred to a university in Baguio. In her new journey, she looked for a place where she could stay. Luckily, she found one. Little did she know that this boarding house that she found would ma...