-----------------------------------------------------<33
Kinabukasan ay sabay-sabay kami nila Rhea na umuwi. Sakto kasing pare-parehas ang tapos ng mga ginawa namin. Buti na lang at nag-message sila sa group chat namin bago pa man ako makaalis kaya naghintayan na lang kami sa main gate.
Pagkadating namin sa boarding house ay sinalubong kami ng mabangong amoy ng pagkain. Mukhang may nagluluto ah. Nakauwi na rin ba 'yung iba?
"Mang Robert?! Nakauwi na po kami!" Sigaw ni Anne.
Lumabas naman si Mang Robert mula sa kusina. Nakasuot siya ng apron at halatang nagluluto. Ay, si Mang Robert pa lang pala ang nandito.
"Nagluluto ako ng meryenda niyo. Sakto at parating na rin yung mga lalaki."
Tutal at wala pa namang pagkain ay umakyat na muna kami at nagpalit na muna ng pambahay na damit. Chinarge ko na rin ang cellphone ko dahil pa-lowbatt na. Pagkababa ko ay saktong dumating sina Rey. May kasama silang dalawang babae. Parehas naming hindi kilala. Saan kaya nila nakilala?
"Uy! Hi, Jelay. Nandito na ba lahat? May ipapakilala kami." Bati ni Rey sa akin.
"Baka nasa kusina. May meryendang niluluto si Mang Robert eh."
Binati ko rin yung dalawa nilang kasama na mukhang nahihiya pa.
Tumabi ako ng upo kila Anne sa usual na lamesa naming mga babae. Naghain na rin si Mang Robert nung niluto niyang carbonara. Wow! Buti na lang at nagugutom na ako. Hindi na kasi ako nakapagmeryenda dahil pauwi na rin naman kami kanina.
"Mang Robert! Kasama na namin yung mga sinasabi ko kahapon sa inyo," sabi ni Rey sa matanda nung nakita niya si Mang Robert.
"Oh, kumusta, mga hija? Sakto ang dating niyo. Sumalo na kayo sa amin tapos mamaya na natin pag-usapan 'yung tungkol sa paglipat niyo rito."
"Ano palang mga pangalan niyo? Saka anong mga course niyo?" tanong naman ni Anne.
Kumuha pa ng dalawang upuan sila Rey para doon sa mga bagong dating at itinabi sa amin.
"I'm Mika. 2nd year, Tourism." sagot nung isa. Morena siya at matangkad. Ang ganda niya rin. Very Filipina beauty. Bagay na bagay siya sa course niya.
"Ako naman si Clara. 2nd year, BS Accountancy." sagot nung isa pa. Siya naman ay mas maliit kumpara kay Mika. Medyo may kaputian at chinita.
"Huh? Clara ba kamo yung pangalan mo? Rey, siya ba yung tinutu--" Naputol ang sasabihin ko nang bigla akong hagitin ni Rey para takpan ang aking bibig. Pwe! Muntik ko pang matikman yung kamay niya!
"Ikaw talaga, Jelay. Ang dami-dami mong kwento sa buhay. Diba nagugutom ka na? Mang Robert, pakainin na nga natin 'tong dead-hungry na 'to." Suway sa akin ng lalaki. Tignan mo 'to. Pwede namang sabihin na lang na huwag na akong magsalita pero pinahaba niya pa.
Inalis ko na lang yug kamay niya at inirapan siya. "Mang Robert, oo nga. Kumain na tayo at baka may masabi pa ako tungkol kay Rey."
Pinagbantaan pa ako ng tingin ni Rey bago bumalik sa lamesa nila. Tumawa na lang ako at hindi na ulit nagsalita. Mukhang tinamaan siya ah kaya nahihiya. May hiya pala ang lalaking 'to?
Pinaupo na ni Anne sa tabi ko si Clara tapos sa kabilang side, sa tabi ni Hera, naman si Mika. Habang kumakain ay nagkwentuhan kami. Sakto pala at may bakante pang kwarto dito. Ang saya na nadagdagan kami. Mukhang makakaclose ko pa sila. Madali naman silang pakisamahan eh. Mukhang nahihiya lang talaga kanina since hindi pa naman namin sila kilala.
Habang naghuhugas ng pinagkainan yung iba ay kinausap naman ni Mang Robert sila Clara tungkol sa pagbabayad at paglipat nila dito.
Sa katabi ng kwarto ko ang napili ni Mika tapos si Clara naman ay doon sa dulo. Dahil medyo mahaba pa naman ang araw ay naghiwa-hiwalay kami sa pagsama sa dalawang babae para kunin yung mga gamit nila para mailipat na dito. May tig-isa ring lalaki na sumama paa in caase may bubuhatin raw na mabigat ay sila na. Kila Mika ay si Rafe ang sumama tapos sa ain naman ay si Rey. Syempre si Rey ang sasama dahil si Clara ang tutulungan namin. Mukhang nagpapa-good shot. Yung iba ay hindi na nakasama dahil may inutos si Mang Robert.

BINABASA MO ANG
Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)
RomansAngela, an incoming 2nd year BS Architecture student transferred to a university in Baguio. In her new journey, she looked for a place where she could stay. Luckily, she found one. Little did she know that this boarding house that she found would ma...