-----------------------------------------------------<33
"I really really like you, Angela."
Lumapit ako sa kanya at yumakap. Sinuklian niya iyon ng mas mahigpit pa.
Hindi ko alam kung bakit pero parang naiiyak ako. Ngayon ko lang naranasan 'yung ganito.
Karaniwan sa mga lalaking kilala ko ay katawan lang ang habol sa akin. Ayos lang naman sa akin 'yon pero minsan napapaisip ako kung may lalaki bang magkakagusto sa akin bilang ako at hindi dahil sa katawan ko.
"Huwag ka ngang umiyak." Pinaharap niya ako sa kanya at siya ang nagpunas ng mga luha ko.
"Tandaan mo 'yun lagi ah. Gusto kita. And this feelings I have for you, I love feeling this." Bulong niya.
"Maybe it's too early to say this but I'm starting to fall deeply for you. Sa pagiging madaldal mo, pagiging masiyahin mo, sa kahiligan mo sa sex, sa tapang mo, sa kagustuhan mong makamit 'yung mga pangarap mo, lahat-lahat sayo gustong-gusto ko."
"Gusto ko kung paano ka mag-iwas ng tingin kapag nahihiya ka, kahit kapag nagtataray ka, pati 'yung kung paano mo itinatago 'yung selos mo kahit halatang-halata na, pati 'yung pamumula ng pisngi mo tuwing hahawakan ko 'yung kamay mo o kaya hahalikan kita sa noo or kapag sa labi nang mabilis. Lahat ng 'yun nagustuhan ko. Parang kahit ano atang gawin mo, napapangiti ako."
Naramdaman ko na lang paghalik niya sa aking ulo. Nanatili kaming magkayakap at walang pakialam sa mga taong nakatingin sa amin. Hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako.
"Bakit hindi mo naman ako sinabihan na may paganito ka? Ano? Tatanungin mo na ba ako ng 'Will you be my girlfriend?' " Sabi ko sa kanya. Nakakabigla kasi na biglang may ganito. Hindi naman ako sanay.
"Magpapaalam muna ako sa magulang mo. Baka mamaya sabihin nila, nagalaw na kita at lahat eh hindi man lang ako nagpaalam na gusto kitang maging parte ng buhay ko."
Nagulat kami parehas nang may narinig na kanta na pwedeng pang-sweet dance.
Mabagal naming sinayaw ang aming mga katawan habang magkayakap pa rin. May ilan ding couples na tumayo para magsayaw.
Our date ended with me feeling so special. I love how John can make me feel that so easily, how he can make my heart beat so wild effortlessly.
Pagkauwi namin ay kumakain na sila. Nasabi na pala ni John kay Mang Robert na sa labas kami kakain bago niya ako sunduin kaya hindi na nila kami hinintay.
Nagyaya na lang ako manuod ng movies sa may taas lalo na't wala din naman kaming pasok bukas. Start na rin ng sembreak sa Monday. Mahaba-haba na ang pahinga namin.
"Magshower lang ako. Akyat ka na lang pag tapos ka na." Sabi ko pa bago tuluyang umakyat.
Nag-aapply ako ng skin care ko nang bumukas ang pinto at pumasok si John.
"Sandali lang ah. Matatapos na ako."
Nakahoodie siya at jogging pants. May dala rin siyang malalaking chichirya. Habang ako ay nakahoodie rin, pero dolphin short naman ang pang-ibaba ko.
Umupo siya sa kama ko habang pinapanuod akong naglagay ng facial creams.
"Lagyan mo rin ako ng ganyan. Gusto ko rin."
Napalingon tuloy ako sa kanya. Meron siyang mukha na parang sinabi sa akin na huwag akong tumanggi at pumayag sa request niya.
Natatawa tuloy akong tumayo at lumapit sa kaniya, dala-dala ang mga gamit ko.
"Hindi mo naman na kailangan 'to eh. Gwapo ka na. Masyado nang naraming naiinlove sa mukha mo." Sabi ko habang nilalagyan ng cream 'yung mukha niya.
"Maganda ka na rin naman ah. Bakit gumagamit ka pa nito?" Sabi naman niya.

BINABASA MO ANG
Not the Ordinary Boarding House (Love Made in Baguio Series: Book 1)
RomanceAngela, an incoming 2nd year BS Architecture student transferred to a university in Baguio. In her new journey, she looked for a place where she could stay. Luckily, she found one. Little did she know that this boarding house that she found would ma...