GD: TWO
"Hindi pa ba siya gigising?"
"Dalhin na ba natin sa Ospital?"
"Waaah! Wag mo kaming iiwan Stella! Maraming magpapakamatay na lalaki pagnawala ka!"
"Gaga ne'to, ang ingay mo!"
Naalimpungatan ako nang marinig ang iba't ibang boses. May malandi, bakla at tibo. Isa lang ang ibig sabihin niyan, kasama ko na ang plankton friends ko.
"Ang ingay niyo naman! Kita ng natutulog ang magandang prinsesa, eh." Iritang sabi ko sa kanila. Kahit na hindi pa rin nakabukas ang mga mata ko, kilalang kilala ko naman ang mga boses nila. Naramdaman ko na lang na may biglang nanghampas sa akin kaya napabukas ang mga mata ko ng wala sa oras. "Sino ang hayop na nanghampas sa akin?"
Sa una'y nagtuturuan pa ang mga insekto sa harapan ko ngunit kalauna'y umamin din si Nikka. "Ako lang naman. Aba, ilang oras ka nang natutulog diyan? Slumber Party lang 'te?" Nakapamaywang na wika nito.
"Makasabi ka ng slumber, alam mo ba ibig sabihin nun?" Bigla siyang napaayos ng tayo at nilingon ang mga katabi. Bumulong pa talaga ang hayop!
"Alam niyo ba meaning nun?"
"Hindi, eh." Kibit balikat na tugon ni Landi este Rica. As usual, makapal na naman ang suot niyang lipstick. Paano ba naman, ang itim kasi ng labi nang negrang 'to kaya pilit dinadala sa pulang lipstick. Eto pa, maitim na nga, naka-eyeliner pa! Akala mo, zombie na galing sa imburnal ang itsura. Nakakasura, grabe.
"Ay, 'Day! Baka sleeping with the hotties. Oh my kilig." Turan naman ni Jowel. Jowel tuwing umaga, Jewel kapag gabi. Nakasuot siya ng kulay puting wig na maikli at may bangs. Ginagaya niya kasi yung bata sa 'Chandelier' na music video. Yun nga lang, Bentong version.
Nag-usap-usap pa sila tungkol sa tamang meaning ng 'slumber'. Hindi na 'ko nakinig at napatulala na lang. Yung lalaking nagligtas sa akin, biglang pumasok sa isipan ko. Siya kaya yung nagbuhat sa akin pabalik dito? Natawag ko pa siyang superman. Hihihi. Ang landi ko talaga, maganda naman.
"HOY!"
"Ay, Superman!" Napabalikwas ako sa gulat dahil sa pagsigaw ni Nikka. Siraulo talaga ang babaeng 'to. May pagkalalaki yan kung kumilos. Pero kapag maghahanap ng malalanding lalaki, tinalo pa ako sa suot dahil halos kita na ang kaluluwa niya. Well, ganun talaga. Kung gusto mo maka-spot ng mayamang lalaki, kailangan malandi ka pa sa pokpok!
"Sino nga palang nagdala sa akin dito? Gwapo ba?" Natawa naman yung tatlo. Anong nakakatawa sa tanong ko?
Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa sila nakabulagta sa sahig. Pero ang nangyari, mas lalo lang nila akong tinawanan. Ayos.
"Seryoso ka ba, Stella? Mas gwapo pa nga si Pektong sa naghatid sayo, eh. Hahaha." Hawak-hawak pa rin ang tiyan na sabi ni Nikka.
"Pumapatol ka na pala sa mga poor ngayon? Eww, ha." Nandidiring sambit ni Rica.
"Chaka ng type mo, girl! True love lang ang drama? Pft."
Kinuha ko yung mga unan sa kama at pinagbabato sila. Akala mo sa mga 'to wala ng katapusan ang kaligayahan. "Mga gago!" Nagsitakbuhan ang mga hinayupak palabas.
Hindi ganun kalaki ang kwarto, kulay puti ang pader, may single bed, at tanging maliit na lamesa o coffee table. Base sa itsura, alam kong nasa loob ako ng Pleasure Bar.
Dito kasi sa pinakataas na palapag ng Bar makikita ang mga kwarto. Kung saan, dito nag-aanuhan ang mga customer. Nililinis naman kaagad ang bawat silid kaya hindi nakakadiri.

BINABASA MO ANG
Gold Digger (COMPLETED)
RomansaStella Payne tries to become romantically involved with rich men in order to get money and gifts from them. Pero isang araw, nabalitaan na lang niya na napuntang hospital ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, ang kanyang lola. Masiyadong malaki an...