GD: Thirteen
NANG makita ko si Mr. Smith that time, hindi na mawala ang ngiti sa mga labi. Worth it lahat ng paghihintay at paghahanap sa kanya. Malapit ko na siyang maabot. Malapit ko ng makuha ang mga gusto ko.
"That's really odd, bakit nandun si Mr. Smith that time? Kung andun nga siya para tumulong - nah, imposible. Mag-aaksaya pa siya ng oras dun kung pwede namang iutos na lang niya sa iba." Rinig kong sabi ni Rica.
Agad akong napasimangot.
"Atleast, nakita ko na siya sa personal. Although hindi ko nakita ang mukha niya."
Tumayo si Jewel, namaywang habang ang isang kamay ay nakalagay sa ilalim ng baba niya. Pose na parang nag-iisip. Wow. Marunong palang mag-isip ang isang 'to.
"Baka naman poser lang 'yun! Naku, bakla uso ang mga ganyan ngayon. Bakit ka ba nagpapadala. Malay mo, hindi naman talaga si Mr. Smith. Kagaya ng sinabi ni Rica, napaka-imposible na mapunta roon ang pinakamayamang tao sa Pilipinas."
All my hopes went down. Nakakainis naman ang mga taong 'to. Imbes na i-encourage nila ako, biglang kung ano-ano na ang iniisip.
Pero kung hindi nga siya 'yun, nag-aaksaya lang pala ako ng oras kakaisip. Hindi pa rin pala mangyayari lahat ng pinaplano ko. Paano na ang buhay ng lola ko?
"Si Mr. Smith 'yun! Magtiwala lang tayo. Alam kong siya 'yun." Naagaw ang atensyon namin sa pagsigaw ni Nikka. Nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi niya. May tao pa ring naniniwala sa akin na si Mr. Smith nga ang nakita ko.
Hindi hallucination. Walang poser. Walang nagpapanggap. Siya nga 'yun!
Nilapitan siya ni Jewel atsaka binatukan. "Gaga ka! Kanina ka pa ha! Pinapasa mo 'tong kaibigan namin."
Bago pa sila magrambulan, nagsalita ako. "Ayos lang. Whether si Mr. Smith o hindi, wala na akong pakialam."
Tumayo ako at lumapit sa pintuan. I need to go home and rest. Napakahaba ng araw na ito. Isa pa, hindi pa rin naman ako titigil. Hahanapin ko ang lalaking 'yun! At kailangan niya akong tulungan.
Nang makarating ako sa bahay, nakita ko ang isang pamilyar na bulto ng katawan. Naalala ko tuloy si Mr. Smith, pareho kasi sila. Hindi kaya kakambal niya 'to? Mas lalo namang imposible 'yun. Karpintero lang si Nick, samantalang si Mr. Smith, saksakan ng yaman.
Nakatayo lang siya sa labas ng gate habang habang nakatingin sa akin. Hindi siya gumagalaw o nagsasalita man lang. Anong ginagawa niya rito?
Lumapit ako para kausapin siya ng harapan. Ngunit bago ko pa maibuka ang bibig ko, hinila niya ako palapit atsaka niyakap ng mahigpit. Bakit ganun?
Bakit ang bango ng taong 'to? Nahiya naman ang pabango kong gamit sa cologne niya.
"Mabuti ligtas ka."
Nagulat ako sa tinig ng boses niya. Parang may emosyon? Sa kauna-unahang pagkakataon, narinig ko na rin siyang magsalita ng hindi nanghuhula kung anong emosyon niya. Dahil ngayon, may bahid ng pagkaalala, lungkot at tuwa ang tinig niya. Which is, good to hear.
"Yeah. Salamat sa taong nagligtas sakin."
Humiwalay siya sa pagkakayakap pero hawak-hawak niya pa rin ang magkabila kong braso.
"Wala akong ginawa para iligtas ka."
Bumaba ang mga mata niya. Gayun din ang kamay niyang nasa balikat ko, dumausdos ito pababa sa kamay ko hanggang sa bumitaw.
"It doesn't matter. Wala kang obligasyon sa akin. Hindi naman tayo."
Wala na akong narinig sa kanya. Dahil nahihilo na talaga ako sa sobrang pagod, nagpaalam na ako't pumasok sa bahay. Ni hindi na nga ako nakaakyat sa kwarto ko, dumiretso ako sa sofa atsaka nakatulog.
BINABASA MO ANG
Gold Digger (COMPLETED)
Roman d'amourStella Payne tries to become romantically involved with rich men in order to get money and gifts from them. Pero isang araw, nabalitaan na lang niya na napuntang hospital ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, ang kanyang lola. Masiyadong malaki an...
