GD: Twelve

2.9K 63 1
                                        

GD: Twelve



LUNES na naman. May pasok na si Nick sa trabaho, sayang isasama ko pa naman sana siya sa Hospital. Well, hayaan na lang. Wala naman talaga akong balak na bumisita ngayong araw ang kaso, kinulit ako ni Unggoy kagabi, nangonsensiya pa ang gago kaya wala akong choice kung hindi umalis. Isa pa, nami-miss ko na rin ang lola ko, baka kung ano ng nangyari dun habang wala ako. Si Luz pa naman ang nagbabantay doon.

Sana inayos niya ng mabuti ang trabaho niya.

I remembered, yung nangyari kagabi. He stole my first kiss! Pero wala na 'yun. Kinalimutan ko na. Kinalimutan ko na talaga kahit na napanaginipan ko pa yun pagkatulog ko, at hanggang paggising 'yun lang ang tumatakbo sa utak ko.

Di wala na yun.

'Yung malambot niyang labi. Nakalimutan ko na. Hindi ko na nga tanda kung gaano kainit 'yun nung magdikit ang mga labi namin.

Waaah! Bumabalik na naman. Baka sakaling makalimutan ko ang lahat – kahit saglit lang – pagkarating ko ng Hospital.

Sumakay ako ng taxi papunta doon. Maayos naman ang takbo sa simula pero pakiramdam ko ang tagal-tagal ng biyahe. Sa passenger seat ako sumakay at panay ang silip ko sa driver na nagmamaneho ng taxi.

Bakit parang nag-iiba na ang itsura ng mga dinadaanan namin? Parang hindi naman dito ang daan papuntang hospital.

"Manong sa Smith Hospital tayo."

Nakita kong tumango ito kaya medyo napanatag ang loob ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras at nakatulog na ako sa loob.

Maingay. Puro tawanan ang naririnig ko. Hindi ko maintindihan kung anong pinagsasasabi nila ngunit mas malinaw ang mga iyak at ungol na naririnig ko sa paligid. Nasaan ako? Di ba dapat nasa Hospital ako ngayon? Anong ginagawa ko rito?

Kaagad akong napahawak sa ulo ko dahil sa sakit. Parang nauntog ako ng ilang beses sa sobrang kirot. Tatayo sana ako ngunit nanghihina ang buong katawan ko. Nanginginig ang tuhod ko at parang may nakatali sa paanan ko.

Pagdilat ko ng mga mata, una kong nadatnan ang mga paa ko nakatali ng kadena at ang dulo nito ay nakabaon sa lupa. Malaya naman ang mga kamay ko, kaya kahit papaano'y nakakakilos pa rin ako.

Sobrang dilim. Wala akong ibang makita kundi ang konting liwanag na lumulusot sa siwang ng pinto.

Dumagundong ang dibdib ko nang biglang may magbukas ng pinto. Isang malaking lalaki ang lumapit sa aking pwesto. Kasunod niya ang isa pang lalaki na nagbukas ng ilaw. Doon ko lang nakita ang mga mukha nilang nakatakip ng maskara.

Yung maskara na 'yun.

Katulad na katulad ng maskarang suot ng mga taong pumatay sa mga magulang ko. Hindi pa rin sila tapos. Balak talaga nilang ubusin ang buong pamilya ko, kasama na ako doon at ang lola ko.

"Gising ka na pala." Rinig kong sambit ng lalaking unang pumasok sa kwarto na 'to.

Sisigaw sana ako ngunit naunahan ako ng lalaki, pumuwesto siya sa likod ko atsaka mabilis na tinali ang mga kamay ko samantala ang lalaki namang nasa harapan ko'y nilagyan ng tape ang bibig ko.

Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko.

"Parang kahapon lang nang patayin ko ang mga magulang mo, maliit ka pa nun kaya hindi ka namin ginalaw. Pero ngayon ang laki-laki mo na at mapapakinabangan ka na namin ng lubos."

Gusto kong lumaban. Gusto ko siyang tadtarin ng mura at patayin pero hindi ko kaya, hindi ko magawa dahil nasa kanya nakasalalay ang buhay ko.

Sabay kaming napalingon nang makarinig kami ng hiyawan na nagmumula sa labas ng silid. Isang sigaw ng hinagpis at pagdurusa. Mas lalong lumaki ang ngisi ng lalaking kaharap ko't muling tumingin sa akin.

Gold Digger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon